CHAPTER 43

50 3 0
                                    

CHAPTER FOURTY-THREE

NAPAAWANG ang labi ko sa ibinibintang ni Nicka. Sinasabi ko na nga ba!

Mabilis na humarap ako kay Glen bago umiling.

"S'ya ang sinungaling, hindi ako," dipensa ko sa sarili. "Wala akong kasalanan, Glen. Hindi ako ang tumulak sa kanya. It was an accident."

"Sa akin ka maniwala Hendrix dahil ako ang nagsasabi ng totoo. Pinagbantaan din n'ya ako na h'wag dumikit sa'yo. Layuan daw kita dahil pagmamay-ari ka n'ya. Tinakot n'ya ako na kapag hindi ako umalis sa school na ito, gagawin n'yang impyerno ang buhay ko. Hendrix, Margaux is threatining me for goodness' sake. Tapos sinabi kong hindi ako aalis, bigla na lang n'ya akong sinabunutan at tinulak sa hagdan. Kahit tanungin mo pa sila." Sabay turo sa tatlong estudyante na nakakita kay Nicka na nasa ibaba na.

Pero hindi nila nakita kung anong totoong nangyari. Nakita na lang nila ay ang kinalabasan ng nangyari.

Gusto kong isa-tinig iyon pero walang boses na lumalabas sa bibig ko. Para akong napipi.

"Nakita n'yo ba?" Maawtoridad na tanong ni Raven sa tatlo.

"H-Hindi po naman nakita ang exact na pangyayari. Ang naabutan na lang po naman ay nakahandusay na s'ya sa ibaba habang sumisigaw sa sakit. Tapos s'ya...." Sabay turo sa akin. "Nasa itaas na parte ng hagdan."

"Its because pababa na ako no'n. Pero hindi ibig sabihin ay ako ang tumulak sa kanya."

Bumaling ako kay Nicka. Humahagulhol na ito sa kakaiyak habang iniinda ang binting nabalian yata.

Gusto ko ring umiyak dahil pakiramdam ko ako ang masama sa tingin nilang lahat. Gusto kong paniwalain silang hindi ko kasalanan, na wala akong ginawang masama. Pero base pa lang sa tingin na ipinupukol sa akin ni Glen ngayon, mas pinaniniwalaan n'ya ang kasinungalingan.

"Glen, please believe me. Hindi ko kasalanan. Wala akong kasalanan. Aksidente ang lahat. Maniwala ka naman oh, kahit ngayon lang. Kilala mo ako, hindi ako gano'n kasama katulad ng binibintang n'ya," pagmamakaawa ko.

"Really, Erish? Hindi ka ba talaga gano'n? And are you sure that I really know you? Hindi ba nga gustong gusto mo ako at hindi malabong gawin mo ang pananakot sa iba para lang lumayo sa akin, hindi ba? At ano kamo? Pagmamay-ari mo ako?" Mapang-insultong tumawa ito. "Kailan man hindi ako magiging sayo, Erish! So just back off! At tigilan mo na rin ang ginagawa mo dahil nandadamay ka na ng ibang tao."

Tumalikod na ito saka lumapit kay Nicka. Ito na ang bumuhat sa babae paalis, papuntang infirmary.

Ngunit bago pa sila tuluyang makaalis, nakita ko ang malademonyong ngisi ni Nicka na hindi napapansin ng lalaking buhat-buhat s'ya. Saka nito palihim na pakita ng kanyang daliri na naka arko ng letrang L.

Nakarinig ako ng masasakit at masasamang kantyawan mula sa mga nakakita. Pakiramdam ko ay pinagkakaisahan ako ng buong daigdig. Pakiramdam ko wala akong kakampi. Pakiramdam ko....

"ERISH!!" Bago pa ako tuluyang mapaluhod sa hallway ay narinig ko na ang malakas na pagtawag ni Josh sa akin. Lumingon ako dito na may ngiti sa labi, kasabay niyon ay ang pagtulo ng mga luhang kanina pa gustong magsibagsakan.

Mabilis na dinaluhan ako nito. Ibinaon ko sa kanyang dibdib ang aking mukha, kasabay nang pagpulupot ng kanyang dalawang braso sa aking bewang.

"Hush! Nandito na ako, Erish. H'wag ka ng umiyak please."

Mas naiyak ako sa malambing n'yang boses na nagpapatahan sa akin. Wala akong marinig na kahit anong paninisi o pambibintang sa kanya, bagkus ay purong pag-aalala.

"Josh.... Josh ayoko na. Wala akong ibang ginawa kundi ang mahalin s'ya at ipakitang totoo ang nararamdaman ko. Pero bakit ito ang balik sa'kin? Bakit ganito ang isinusukli n'ya?"

The Lovestory That We Never Had | COMPLETED | ✔︎Where stories live. Discover now