CHAPTER 28

45 5 0
                                    

CHAPTER TWENTY-EIGHT

PUMWESTO na si Josh. Umupo na ito sa bangko at inayos ang pagkakahawak sa gitara.

"Can we hear why you want to join our club, Mr. Villaflor?" Tanong ng isang judge ng Music Club.

"Because I do LOVE to write songs, playing instrument and sing a song?!"

Umangat ang gilid ng aking labi dahil sa pilosopong sagot ni Josh.

"Kahit kailan talaga!" Natatawang wika ni Zander. "Pilosopo ang Mayor n'yo."

Ang hot n'yang tingnan at pakinggan kapag namimilosopo s'ya. Mukha s'yang good boy na medyo bad boy.

Biglang nagkaroon ng background music. Naririnig ko 'yung kantang Good Boy Gone Bad ng TXT.

KYYYAAAHHHHHHHH!

Kamukha n'ya tuloy si Soobin KO! OO! INANGKIN KO NA TALAGA SI SOOBIN!

'Yong tipong ang inosenteng tingnan pero may tinatago ding kapilyuhan.

PERO, TEKA NGA—BAKIT MAY PA GANYAN-GANYAN KA KAY JOSH, ERISH? At anong hot tingnan, aber? Bakit may pa gano'n na agad? HUHUHUHU!

"Oo nga naman. Hmmm..." Natawa ako ng medyo naiilang na magtanong ang judges dahil baka madalawahan na naman ng kapiliosopohan ng lalaking nasa kanilang harapan. "By the way Mr. Villaflor, may we ask... ahhmmm... it's just a random questions for all the participants."

"Go on!"

"Do you have someone in your mind that gave you inspiration when you sing a particular song?"

Hindi naman nagulat si Josh sa tinanong sa kanya pero naging medyo uneasy sya.

"Matagal na akong kumakanta pero wala pa naman. I just love what I'm doing and I don't have someone in my mind while singing. But..."

Naging aktibo ang lahat sa pakikinig, lalo na ang mga kababaihang nasa paligid namin. Maging ang mga judges na girls ng mga clubs ay naging interesado din sa BUT ni Josh.

Kahit ako nga ay sa kanya lang nakatutok ang mga mata. At ang tenga ay hinihintay na ang sunod n'yang isasagot.

"But, I think.... I think this time, meron na."

"KKKYYYAAAAHHHHHH!" Napuno ng hiyawan mula sa mga kababaihang naririto ang loob ng auditorium. Halos magwala na sila sa itaas ng bleachers habang winawagayway ang dalang banner para kay Josh.

Fangirling Alert!!!

Gosh! May banner talaga?

Daebak!

Nanlalaki ang mga mata at napatakip ako ng palad sa bibig. Hindi ako makapaniwala sa narinig. JINJJA?!

"There is someone that keep showing in my mind kahit na hindi ko s'ya isipin. Ilang taon ko na rin s'yang kilala at masasabi kong close na kaming dalawa kaya siguro naiisip ko s'ya, lalo na kapag nakikita ko 'yong mga ngiti n'ya at naririnig ang tawa n'ya. Cringe ba?"

Madaming sumigaw ng 'HINDI' at may ilan pa akong narinig na nag SANA ALL. At karamihan sa kanila ay mga kababaihan. Halo-halong reaksyon mula sa mga madla ang bumalot sa buong lugar.

Sikat na sikat si Tanda ah! Naks!

"SINO SI GIRL?" Isang patanong na sigaw mula sa itaas ng bleachers ang aming narinig.

"Oo nga! Sino si Lucky girl?"

"Aahhhhh! May babaeng nagugustuhan na si Prince Josh. Wala na tayong pag-asa pa."

"Uwian na, may nanalo na!"

"KYYAAHHHHHH!" Nagulat kami at napatingin kay Ella ng biglang na lamang itong magpapadyak sa kinauupuan.

The Lovestory That We Never Had | COMPLETED | ✔︎Where stories live. Discover now