CHAPTER 14

67 5 16
                                    

CHAPTER FOURTEEN

"SO BAKIT wala ka sa dati mong seat kanina? Itatanong ko sana kung naging maayos ba ang tulog mo, pero si Bianca ang nakita ko." Tanong nya sa akin habang ngumunguya ng bubble gum.

Naririto kami ngayon sa soccer field. Wala lang, tambay. May meeting ang mga teachers ngayon kaya wala kaming klase.

Pagkatapos mag lunch ay niyaya ako ni Ella na manood daw ng soccer practice ng crush nya, boring sa room kaya sumang-ayon na ako. Sumama naman si Zan at Josh sa amin, leaving their friend Glen behind.

Hindi ko naman nakita kung anong reaction ni Glen dahil hindi na ako nag-abalang tingnan pa ito.

Umiiwas nga ako, diba? May umiiwas bang lumalapit pa?

At gustuhin ko man, mas nanaig sa akin ang kagustuhang layuan muna sya.

"What do you think?"

Nanlaki ang mga mata nya sabay tabon ng palad sa bibig.

"Don't tell me... WHAT THE FVCK! HAHAHAHAHA! H'wag mong sabihin na hindi na si Glen ang gusto mo, kundi ako na."

My eyes widen with what he said. "WHAT THE??" Malakas na hinampas ko sya sa braso na ikinareklamo nya naman.

Shutangna! Saan galing 'yon?

"Aray hah! Sa isang araw nakakalimang hampas ka sa akin."

"At madadagdagan pa yan sa mga susunod na araw."

"Ang sakit mo naman magmahal, Baby. You make me tampo-tampo na. Hindi mo na ba ako love?"

Umasim naman ang mukha ko sa sinabi nya. Kinikilabutan ako, jusko!

"Tigilan mo na, baka mapasama ka pa."

"Eto naman, hindi na mabiro. So, umiiwas ka?"

"I'm just keep my self away from hurting. Hindi naman kasi ako robot para hindi makaramdam ng sakit. Tao lang din ako. At kung pag-iwas ang tawag do'n, edi 'yun nga."

"Pero hindi mo s'ya forever na iiwasan na lang."

Hindi ko naman sya forever na iiwasan eh. Lumalayo lang ako for now. Gusto ko rin namang HUMINGA at MAGPAHINGA. Sa loob ng two years of highschool life ko wala akong nagustuhang ibang lalaki kundi sya lang.

Kahit nga magka-crush sa iba hindi ko nagawa. Maliban na lang sa kinababaliwan kong kpop groups. Dahil sya at sya lang talaga 'yung gusto ko.

At kung tatanungin nyo ako kung balak ko bang magkagusto sa iba? I don't know! Mahirap pilitin ang pusong iisa lang talaga ang laman.

Gano'n ako kapag nagmahal. Kung isa, isa lang talaga.

"Teka nga—kanino ka ba kampi? Sa kaibigan mo o sa akin?"

"Sayo!"

"Oh, edi manahimik ka na lang d'yan. Okay?"

Tumango naman sya sabay zipper ng kanyang bibig.

"HOOOOOHHHHH! GO CALVIN!"

Napatingin kami kay Ella na syang sumigaw. Nasa first row ito ng high bleachers na inuupuan namin. Nasa likurang bahagi naman nito si Zan na inip na inip habang tamad na nakadantay ang dalawang siko sa itaas na bleachers.

"Alam mo Ella Ella eh eh... Mas magaling pa ako gumiling kaysa d'yan sa Calvin mo."

"Gumiling? Ikaw kaya ang igiling ko sa gilingan? Gusto mo?"

"PSH! Gilingan kaya kita, gusto mo?"

"Sapak gusto mo?"

Natawa ako nang magbatuhan ng sagot ang dalawang tao sa ibaba ng bleachers. Kung mag-away ang dalawa ay akala mo walang ibang tao dito. Masyado silang hakot atensyon lalo na at ang lalakas pa ng boses, eh makaharapan lang naman.

The Lovestory That We Never Had | COMPLETED | ✔︎Where stories live. Discover now