CHAPTER 50

55 5 0
                                    

CHAPTER FIFTY

"BAGO natin simulan ang Battle of the Band na pinakahihintay ng lahat. Gusto ko muna kayong batiin, HAPPY 75th FAOUNDATION DAY EASTWOOD HIGH!!!! And let's all welcome, THE STAR OF THE NIGHT, ABSTRACT BAND!!!"

Mababatid ang kaligayahan at kabang nararamdaman naming lima pagtapak pa lang namin sa gitna ng entablado. Halos mapuno ang malawak na quadrangle ng Eastwood High dahil sa mga dumayong manonood.

May kanya-kanyang hawak na banner na may picture ng banda ang mga kababaihan sa gitna ng kumpulan ng mga tao. Maririnig rin ang malalakas na hiyawan mula sa mga ito. At dahil wala pa kaming official band logo at lightstick, ang ginawa nilang ilaw ay ang flashlight ng kanilang mga cellphone.

Nagmistulang malawak na karagatan ng mga kumikislap na maliliwanag na ilaw ang buong venue.

Nagbigay iyon ng matinding tuwa sa amin. At kitang kita ko rin sa mga mata ng apat na sabik na silang magpakitang gilas sa harap ng lahat. Kita ang determinasyon at kagalakan sa mukha ng mga kabanda ko.

Nakakatuwa. Dati nahihilig lang ako sa pagtugtog at pagkanta. Pero ngayon may natatawag na akong sariling aking banda.

At nang mapadako sa unahang bahagi ang aking mga mata, ang umagaw bigla ng atensyon ko ay ang malaking banner na may picture ko. May nakasulat na din sa gilid niyon na "WE LOVE ABSTACT BAND FROM ABSTRACTBANDNATICS". Ang isa naman ay may nakasulat rin na "WE LOVE JOSH VILLAFLOR FROM JOSHLOVERS OFFICIAL", then may nakalagay din pangalan ng taong buo ng Fansclub na iyon.

"MysticalCreator."

"Una sa lahat, maraming salamat sa lahat ng naririto ngayon. I know na ang iba sa inyo mula pa sa malayo at nagtungo pa rito para masaksihan lang ang unang pagkakataon na ipapakilala ko ang bandang aming nabuo. ABStract Band is here now in front, to gave you all the best performance you'll enjoy."

Malakas na hiyawan ang muling dumagsa.

"WE LOVE YOU ABSTRACT BAND!"

Sinenyasan ko si Adrian na simulan na, kaya gamit ang drumstick tinambol nito ang drum kasabay ng mahinang pagbilang.

"1... 2... 3... Go!"

Magkasabay na pinatugtog nina Santi at Dwane ang kani-kanilang gitarang hawak, na sinabayan rin ng keyboard ni Hanz.

"This is for you. Hope you all like it!"

Humina ang tunog ng drum kaya tanging ang gitara at keyboard lang ang maririnig, kasabay ng pagsisimula ko ng pagkanta.

♫︎♫︎♫︎
I shouldn't love you but I want to
I just can't turn away
I shouldn't see you but I can't move
I can't look away

And I don't know how to be fine when I'm not
'Cause I don't know how to make a feeling stop
♫︎♫︎♫︎

Nagbigay ng magandang bwelo ang paghampas ni Adrian sa drum nang kantahin ko na ang chorus.

♫︎♫︎♫︎
Just so you know
This feeling's taking control of me
And I can't help it
I won't sit around, I can't let 'em win now
Thought you should know
I've tried my best to let go of you
But I don't want to
I just gotta say it all
Before I go
Just so you know
♫︎♫︎♫︎

Sumasabay sa awitin ang mga nanonood, habang kinakaway ng sabay-sabay ang mga hawak nilang cellphone na bukas ang flashlight.

♫︎♫︎♫︎
It's getting hard to be around you
There's so much I can't say
Do you want me to hide the feelings
And look the other way

The Lovestory That We Never Had | COMPLETED | ✔︎Where stories live. Discover now