CHAPTER 27

41 4 0
                                    

CHAPTER TWENTY-SEVEN

MAHIRAP magmahal ng taong hindi pa tapos magmahal ng iba.

'Yong tipong hindi naman n'ya sinasadyang saktan ka, pero masasaktan ka talaga dahil minamahal mo s'ya. Pero ang masakit pa doon hindi naman n'ya sinabing umasa ka sa kanya, dahil in the first place alam mo nang wala talaga pero umasa ka pa rin... kaya ka nasasaktan.

At ang pagmamahal ko para kay Glen ay parang paghawak sa tangkay ng rose ng nakapikit.

Piliin ko man na iwasan 'yong sakit, pero dahil bulag ako sa pagmamahal sa kanya at nakapikit sa katotohanang may mahal pa rin s'yang iba, masusugatan pa rin ako kung mananatili akong nakakapit.

Should I STAY? Or I need to LET GO?

NAPAKA-BILIS lumipas ng panahon. Parang kahapon lang noong nalaman kong may kamukha pala ako at ang masaklap pa 'non ay sya ang taong dahilan kung bakit tila may galit sa akin si Glen.

Pero ang mas masaklap ay ito rin ang babaeng minahal nito ng sobra, na hanggang ngayon ay may parte pa rin sa puso nya.

Hindi ko alam kung bakit ba ang malas-malas ko.

Parang kahapon lang talaga nangyari ang lahat, but no. Months passed so fast na tila hindi namin namamalayan. Lumipas na ang isang taon sa mga buhay namin. Sa sobrang bilis ng oras, ilang buwan na lang malapit na kaming grumaduate ng junior high. At panibagong journey na naman ang aming papasukin.

Sa loob ng ilang buwang dumaan sobrang daming nangyari at madami ring nagbago. Isa lang yata ang hindi na magbabago. At iyon ay ang pagtingin ko kay Glen. Sa lumipas na panahon ay mas lalo pa nga yatang lumalalim, kaya I'm afriad na baka kapag dumating ang araw na kinakatakutan ko ay hindi ko kayanin.

Noong unang beses nga na nagkwento ako kay Ella about sa nalaman ko, mas priceless pa ang reaction n'ya kaysa sa akin. Ilang araw din s'yang hindi maka-get over sa rebelasyong nalaman.

Sinugod pa nga n'ya sina Glen sa room, pagkatapos ng sembreak namin eh. Buti na lang hindi nagkalat si Ella ng kung anu-anong impormasyon sa klase dahil sigurado akong magpri-freak out ang mga kaklasenamin. Pero naiisip ko rin na baka walang maniwala dahil napaka-imposible naman kasi talaga eh.

Kahit nga ako isang buwan ko ding iniwasan ang tatlo, kahit na palagi akong kinukulit ni Josh eh binabalewala ko na lang. Hindi ko kasi matanggap. Pakiramdam ko sa tuwing titingin sa akin si Glen, si Nicka ang naaalala nya.

At naalala ko din that time iyong unang beses na nakilala ko si Josh.

FLASHBACK...

Papauwi na ako sa bahay nang mapdaan ako sa isang caffe. Nanggaling kasi ako sa bahay nina Glen dahil may pinakuha ang mommy ni Glen sa akin na package. Sayang nga ang pagbyahe ko papunta sa subdividion nila, hindi ko din naman pala matye-tyempuhan si Glen doon dahil palagi daw itong kasama ng mga kaibigan.

At dahil nauuhaw na ako, naisipan kong bumili muna ng favorite iced coffee ko.

Papaalis na sana ako ng mapatingin ako sa isang table. May pinagkakaguluhan doon kaya naki-echos na rin ako. Nahawa yata ako ng kachismosahan ni Ella eh.

Then doon ko nakita iyong isa sa mga kaibigan ni Glen na hindi ko kilala ang pangalan. Mukha lang talaga ang kilala ko at nalilimutan ko ang pangalan nila. May hawak s'yang gitara at busy sa cellphone.

At nang umangat ang tingin nito sa akin ay ganoon na lang ang gulat nito na tila nakakita ng multo.

Tumingin ako sa likuran ko baka kasi may kagulat-gulat s'yang nakita roon pero wala naman. Normal lang na nag-uusap usap ang mga costumers ng caffe.

The Lovestory That We Never Had | COMPLETED | ✔︎Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon