CHAPTER 34

46 5 0
                                    

CHAPTER THIRTY-FOUR

MUNTIK na akong mahulog sa pagkakaupo. Mabuti na lamang ay may mesa sa likuran ko at doon ako napakapit. Dahil kung hindi, malamang sira rin ang hawak kong gitara.

Nanlalaki ang mga matang napatingin ako sa gawi ni Josh. Mulat na mulat ito habang nakapatong pa rin ang ulo ng patagilid sa mesa. May malawak na ngiti ring nakapaskil sa labi nito.

"K-Kanina ka pa gising?" Nauutal na tanong ko.

"Hindi naman. Tama lang para marinig ko ng buo ang kanta."

Nakaramdam ako ng konting hiya dahil sa sinabi nya. Gano'n na ba talaga sya katagal na nakikinig? Parang tinubuan akong bigla ng hiya sa katawan dahil na rin sa paraan ng pagtitig nya sa akin.

Nakakailang!

Kung ice cream lang siguro ako, kanina pa ako tunaw dahil sa titig nyang nakakalusaw.

"Natutulog ka ba talaga kanina?"

He showed me his sly smile bago umiling. "Hindi naman. Hindi naman talaga ako tulog. Pinapahinga ko lang ang mga mata ko," sagot nito.

Muntik ko ng matampal ang noo ko sa nalaman.

"So, pinapanood mo lang ako mula sa simula? Bakit hindi mo ako pinigilan? Paano pala kung hindi ako marunong mag-gitara tapos nasira ko ang gamit mo?"

"Hindi mo naman nasira diba?" Humalumbaba ito sa mesa habang nakatitig sa akin. Napaiwas naman ako ng tingin. "Papaidlip na sana ako kanina, kaso nakarinig ako ng mga yabag papasok dito sa loob. Sumilip ako at nakita kita. Gugulatin na sana kita dahil masyadong malalim ang iniisip mo, nang bigla kang bumaling sa akin. Nagulat ako kaya umub-ob ulit ako at nagpanggap na natutulog. Hindi kita narinig na magsalita o may sabihin manlang kaya akala ko umalis ka na ulit, hanggang sa makarinig ako ng tumutugtog. Doon ko na inangat ang paningin ko sayo."

Ngumiti sya sa akin ng pagkalawak-lawak.

Ang gwapo pala ng lalaking ito? Lalo na kapag totoong ngiti ang ipinapakita nya at hindi nakalolokong ngisi. Lalo n'ya lamang nagiging kamukha si Soobin kapag nakangiti o tumatawa. Pati mata nito ay nakangiti rin na tila ba masayang masaya.

"Tsaka ayokong sirain ang moment nating dalawa."

Namula ang magkabila kong pisnge nang marealize na kaming dalawa nga lang pala ang naririto sa room. At mas nag-init lang din ang pisnge ko sa ibig n'yang sabihin.

"Ihampas ko kaya sayo 'tong gitara mo?!"

"Eto naman di na mabiro. Easy ka lang Babe."

"Babe mo mukha mo. Hindi ako baboy."

"Sungit!"

"Pangit!"

Saglit na katahimikan ang lumukob sa aming dalawa. Tumayo na ako para ibalik ng maayos ang gitara nya sa kinalalagyan nito kanina.

"Give it to me," aniya.

Lumapit naman ako sa kanya saka inabot ang kanyang gitara. Tinap nito ang upuang nasa tabi nya. Tinaasan ko naman sya ng kilay dahil di ko gets kung ano bang pinapahiwatig nya.

"Upo ka."

Ahh, iyon pala.

"Bakit naman ako uupo dyan? Close ba tayo?"

Gusto kong matawa dahil sa reaction nya. Tila nalugi ang itsura nito sa sinabi ko.

"Joke lang!"

Kung dati, masasabi kong hindi talaga kami close ni Josh lalo na at sinusungitan ko pa sila ni Zan. Maliban syempre sa Hubby ko na si Glen. Pero ngayon, naging kaibigan ko na rin naman sya at close na kaming dalawa.

The Lovestory That We Never Had | COMPLETED | ✔︎Where stories live. Discover now