CHAPTER 23

43 4 0
                                    

CHAPTER TWENTY-THREE

MALAPIT ng mag-time nang makarating kami sa school. Papasok pa lamang ng gate ay marami nang napapatingin sa gawi namin. Sino ba namang hindi mapapatingin eh hakot-atensyon lang naman ang kotse ni Josh.

Papasok lang sa school engrandeng kotse pa ang dala. Mayaman nga naman.

Mayaman din naman kami pero hindi ko pa naranasang magsuot o magdala ng gamit na worth of million. Ano kayang feeling?

Pinalaki ako nina Mom at Dad na hindi sunod sa luho kaya napaka-simple kong tingnan. Hindi rin naman kasi maganda sa isang babae ang spoiled brat like other girls out there na kulang na lamang ay perang gawa sa damit ang suotin.

Mas gusto ko pa rin ang simple pero bongga. HUH!

Pinarada na ni Josh ang sasakyan sa parking lot. Nakarinig naman ako ng mga bulong-bulungan galing sa mga estudyanteng nakakita sa pagdating namin.

"Iba talaga kapag mayaman ka, kaya mong bilhin kahit gaano pa kamahal na gamit na gugustuhin mo."

"Idol ko na talaga si Villaflor."

"That's one of the most expensive car in the world. Aabutin ng milyon ang halaga ng kotseng iyon."

"Sana all!"

"Gusto ko ring magkaroon ng gano'n. O di kaya ay isakay na lamang ako ni Josh sa kotse nya, solve na ang araw ko."

"Look girls! May kasama si Josh."

Bumaba si Josh ng sasakyan. Bubuksan ko na sana ang pinto nang unahan ako nito sa pagbukas.

"Ako na."

"Thanks!"

Bumaba na ako ng sasakyan tsaka kami sabag na naglakad ni Josh papasok. Napatingin naman ang mga estudyanteng nagkalat sa field at hallway ng makita kaming magkasama.

Oh, baka maissue naman kami. Nagmagandang loob lang iyong isa pero in the end issue pa rin. Mga utak talaga ng mga sugpo, oh.

"Oh my gosh! Bakit magkasama si Josh at Margaux?"

"Akala ko ba ay si Glen ang gusto nya? Eh bakit kasama sya ni Josh?"

See?! Issue na naman sila. Bawal ba kaming magkasama ni Josh? May batas ba na nagsasabing hindi pwedeng magkasama ang isang Josh Villaflor at Margaux Santanilla?

"Mukhang may something ang dalawa. Baka secret on sila? Tapos balak na nilang ngayon ipaalam sa lahat ang relasyon nila."

"Wow! Two timer naman pala. Pinagsasabay ang magkaibigan."

"Hindi sila bagay."

"Hindi naman type ni Josh si Margaux eh. Kaya baka yaya lang ni Josh si Margaux."

"HAHAHAHAHA!"

"Atleast magandang yaya ako. Eh kayo? Mga inggit!" Inis na bulong ko habang lihim na umiirap sa mga babaeng nagbubulungan. Nakarinig naman ako ng mahinang tawa mula sa tabi ko.

"Tawa-tawa ka pa d'yan. Naiissue na nga tayo."

"Hayaan mo silang mag-isip ng kung anu-ano. Basta para sayo, alam mo ang totoo."

Hmm... may point sya. Hindi ko naman hawak ang mga makikitid na utak ng mga hipon sa paligid kaya, sige lang. Magchismis lang sila, wala me pake. Mas pinapasikat lang nila ang maganda kong pangalan.

"Oh my gosh girls! Ang landi pala ni Margaux eh."

"Sinabi mo pa! Nilalandi nya si Josh tapos gusto nya si Glen? Wow! What a bitch!"

Ngunit hindi ko gusto ang mga salitang iyon. Buong buhay ko ay wala pa akong nilandi. Hindi katulad ng iba d'yan na harap-harapang lumalandi, hindi na nahiya.

The Lovestory That We Never Had | COMPLETED | ✔︎Where stories live. Discover now