CHAPTER 54

46 5 0
                                    

CHAPTER FIFTY-FOUR

I FELT my whole world collapse at what did just happened. Inihatid ako nina Josh sa bahay. Nagpumilit na sumama sina Bianca dahil nag-aalala sila sa akin. Hindi naman na ako tumanggi dahil wala akong lakas na ipagtabuyan pa sila.

Hindi na sila sumama papasok ng bahay dahil they know that I really need to be alone.

Pakiramdam ko tinurukan ako ng pampamanhid ng katawan dahil wala akong maramdaman. Pero hindi naman tumitigil sa pagtulo ang mga luha ko habang papasok ng bahay.

"Jusko, Margaux! Anong nangyari?" Salubong agad sa akin ni Manang. "Bakit ka umiiyak, iha? May nangyari ba? Tatawagan ko na ba ang Mommy at Daddy mo para pauwiin?"

"M-Manang... s-sina Mommy?"

"May business trip yata sila sa Palawan ng Daddy mo. Sa isang araw pa yata uuwi. Ano bang nangyari? Bakit namumugto ang mga mata mo?"

Wala akong sinabi, basta niyakap ko na lang si Manang saka umiyak pa lalo. Tinapik-tapik naman nito ang likuran ko.

"Tahan na. Sandali at ikukuha kita ng tubig. Baka mahirapan kang huminga dahil sa pag-iyak."

"Sa kwarto lang po ako Manang."

"Magpalit ka na at magpahinga. Dadalhin ko na lang doon ang tubig. Ipagluluto na rin kita ng sopas."

Tumango ako ng marahan bago nanghihinang umakyat sa kwarto. Hindi na ako nagbihis, basta ko na lang ibinagsak sa kama ang katawan ko saka doon ulit umiyak.

Gusto kong pigilan, pero ayaw paawat. Parang sirang gripo ang mata ko dahil mapigilan sa pagbuhos ang mga luha kong tila hindi nauubos.

"Diba sabi ko, kung may kasunod pa 'yong huli sana pinagsabay na ninyo pafa isahan na lang 'yong sakit. Hindi 'yong ganito na bibiglain na lang ako. Bakit naman ganito? Bakit naman ako?"

Wala akong ginawa. Hindi ako nandaya. Yong mga sinagot ko sa exam, linaghirapan ko 'yon. Nagsumikap ako sa pag-aaral at pagrereview para makapasa. Tapos ganito lang ang kalalabasan ng mga pagpupuyat ko?

Hindi ko ugaling mandaya sa exam. Hindi ko gawain ang gano'n, kahit na noong nasa Class B pa lang ako. Alam 'yon ng mga kaklase ko at ilang guro na humandle sa akin sa klase nila.

Mas gugustuhin ko pa ang pasang-awang grade kasya sa mataas na grade pero galing naman sa maling gawain.

Hindi ako gano'n, pero nangyayari sa akin ito?

Did someone want me to suffer? Pero sino naman?

Naalala kong bigla si Nicka.

Raven is right. Wala na dito si Nicka pero alam kong may galit sa akin si Nicka noong umalis s'ya ng Eastwood. At hindi ibig sabihin na wala na s'ya dito, hindi na rin s'ya pwedeng kumilos para sirain ako.

Iyon babaeng naka itim.

Alam kong may malaking kinalaman iyon sa mga nangyayari sa akin. Bago magalit sa akin si Ella dahil sa pagkalat ng issue ng pamilya n'ya, nakita ko rin ang babaeng naka itim that time. And now, nakita ko rin ito bago ako pagbintangan na nag cheat sa exam.

Pinahid ko ang luha sa aking pisnge. Tumayo ako para magtungo sa banyo at magbihis. Hindi pwedeng wala akong gawin. Hindi pwedeng palagi na lang akong iiyak dahil pinagkakaisahan ako ng mundo. Kung may tutulong man sa akin, walang iba kundi ang sarili ko lamang.

Naghilamos ako bago humarap sa salamin. Pinagmasdan ko ang aking mga matang mugto dahil sa pag-iyak.

"Kung sino ka man, hinding hindi ka magtatagumpay. Sisiguraduhin kong ikaw mismo ang babagsak sa sarili mong mga bitag. Si Margaux Erish Santanilla ang gusto mong kalabanin, so bare with the consequences."

The Lovestory That We Never Had | COMPLETED | ✔︎Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon