CHAPTER 29

38 5 0
                                    

CHAPTER TWENTY-NINE

"H-HOY! H'wag nga kayong ganyang kay Josh. Hayaan nyo na lang s'yang dumiskarte kung sino ba si girl. Pati ako dinamay n'yo pa. Mga Marites talaga kayong dalawa no? Bagay talaga kayo. Sarap n'yong pag-umpugin."

"Eh bakit nauutal bespren? Tsaka wala namang masamang magtanong. Ayaw mo ba malaman kung sino crush ni TANDA MO? Hmm??"

She even emphasized the words 'TANDA MO'. Anong problema ng babaeng ito?

"TEKA NGA—Hoy Josh!" Tinapik ko ito sa braso. Lumingon nqmqn ito sa akin. "Sabihin mo nga sa kanila na hindi ako 'yong girl na tinutukoy mo."

"Eh mas lalong hindi naman yata ako 'yon, diba Josh?" Sabat ni Ella.

Nanatiling tahimik lang si Josh na para bang wala lang sa kanya ang kaguluhang nangyayari sa paligid nito.

Malakas na hinampas ko sya sa braso.

"Aray naman, Erish!" Reklamo nito.

"Sumagot ka naman kasi d'yan. Ano, dedma-dedmahan lang ang peg? Kunwari walang naririnig? Gusto maka-iwas sa issue?"

"Kayo lang naman ang gumagawa ng issue eh."

"Anong kayo? Silang dalawa lang."

"Kumain ka na lang kaya, nang nabubusog ka. Hindi 'yang dada ka ng dada." I just rolled my eyes on him. Changing the topic, eh? Halatang umiiwas talaga sa ito usapan.

Iaabot na sana nito ang isang slice ng blueberry cheese cake sa akin nang may nauna nang maglagay niyon sa harapan ko. Nakita ko ang nahihiyang ngiti ni Josh sabay lagay ng kamay sa likod ng batok nito, na tila ba napahiya sa nangyari.

"Eat. Don't talk to much."

Nagkatinginan kaming apat dahil sa hindi kapani-paniwalang nangyari ngayon lang. What was that? Nagkibit-balikat naman si Zan na wari mo'y nabasa nito ang iniisip ko, nang mapadako ang tingin ko sa kanya. Amusement is visible in my eyes while I'm seriously looking at him.

Did he really do that? Did Glen really do that? Si Glen ba talaga ito? He cares for me? Or it's just my imagination playing with me?

Pero hindi eh. Kitang kita ng dalawa kong mga mata na nilagay nito sa harapan ko ang cake, pagkatapos ay sinabihan pa ako nito na kumain na.

Nilalagnat ba s'ya?

Nagkamilagro na ba?

Matapos ilagay ni Glen ang cake sa harapan ko ay bumalik na rin ito sa kinakain n'ya. Nasa isang pabilog na table kami, good for 5 person. Bale ang pwesto namin ay ganito, magkatabi sina Zan at Ella tapos katabi naman ni Zander si Glen. Nasa kabila naman ni Ella si Josh, kaya ang ending napapagitnaan ako nina Josh at Glen.

Sumubo ako ng cake para itago ang paglabas ng malawak kong ngiti.

Alam kong simple at maliit na bagay lamang iyong ginawa n'ya, pero para sa akin ay malaking bagay na ang pagkakaroon n'ya ng concern sa akin. Kahit konti lang.

At umaasa pa rin ako. Umaasa pa rin ako na baka magkaroon din sya ng feelings for me...

Kahit konti lang. Konti lang naman.

PAGDATING ng uwian ay nagpresinta si Josh na ihatid ako sa bahay, pero tumanggi ako. Nakapagsabi na kasi ako sa driver namin na daanan n'ya ako dito pagkagaling nito sa kompanya. Pero nagpumilit s'ya na samahan ako hanggang hindi pa dumarating ang sundo ko.

Pareho kaming nakaupo sa waiting shed na nasa labas ng school, malapit sa may gate. Walang nagsasalita sa aming dalawa. Nakatingin lamang kami ni Josh sa mga nagkalat na estudyanteng papauwi na, na nakikisabay sa mga sasakyang dumaraan.

Napatingin ako sa kanya ng tumikhim ito.

"Ahmm..."

Tila may gusto s'yang sabihin na hindi lang nito mabigkas. Nagdadalawahang isip at nag-aalangan.

"Josh? Bakit? May sasabihin ka ba?"

"A-Ano.. Ano k-kasi eh..."

"May lakad ka pa yata eh. Baka hinihintay ka na 'nong dalawa. Sabi ko naman sayo h'wag mo na akong samahan dito. Wala namang kikidnap sa'kin, tsaka nandyan lang si Kuyang guard oh. Darating na rin naman ang sundo ko kaya no worries."

"No, hindi iyon ang gusto kong sabihin. Nagsabi na ako sa dalawa na may importante akong gagawin kaya susunod na lamang ako sa kanila."

"Eh, anong gusto mong sabihin?"

Napakamot ito sa batok na tila nahihiyang magsalita. Tinaasan ko s'ya ng kilay.

"Ang wierd mo ah. Hindi ka naman ganyan dati eh."

"N-Nahihiya ako eh."

Muntik na akong matawa nang sabihin n'ya iyon. Halata nga eh. Halatang nahihiya s'ya dahil hindi n'ya masabi-sabi kung ano ba talaga ang gusto n'yang sabihin.

Napangiti ako. May ganito rin palang side si Josh? Iyong tipong cute na tuta na gustong magpalambing sa kanyang amo. Lumapit ako ng konti sa kanya saka ko ginulo ang kanyang buhok. Halatang natigilan naman ito pero saglit lang iyon. Hindi ko naman inalis ang kamay ko sa buhok n'ya at pinagpatuloy ko lang ang pag-suklay niyon gamit ang mga daliri ko. Guguluhin ko tapos aayusin ko ulit. Wala lang, ang lambot kasi eh. Nakakagigil!

Si Glen kaya? Malambot at madulas din ang buhok? Ayaw kasi 'non ang hinahawakan ng iba ang kanyang buhok eh. Ang damot talaga! Parang buhok lang eh.

Karamihan sa mga lalaki malagkit ang buhok dahil naglalagay sila ng wax or gel. At hindi ko alam kung bakit naglalagay pa sila ng ganoon sa tuwing poporma.

Pero ang lalaking ito?

Mas malambot at madulas pa ang buhok kaysa sa ordinaryong babae.

Daig pa'ko eh! Nahiya naman buhok ko sa kanya. Mahihiya din ang suklay sa lambot ng buhok nya. Kahit hindi na n'ya gamitan ng suklay, kahit mga daliri na lang ng kanyang kamay, pwede na.

Halatang alagang alaga ang buhok nito at para bang hindi manlang ito nadadapuan ng kahit anong pampadulas or even a gel. Natural kumbaga.

"Anong shampoo mo?" inosenteng tanong ko sabay gulo ng kanyang buhok.

"A-Anong ginagawa mo? At anong pinagsasabi mo d'yan?" Taas kilay na tanong n'ya. I rolled my eyes on him.

Bahagyang lumayo na rin ako at inalis ang pagkakahawak ng aking kamay sa kanyang buhok. Medyo nailang kasi ako dahil masyado s'yang malapit sa mukha ko at naaamoy ko rin ang mabango n'yang hininga nang magsalita s'ya. Amoy mint and chocolate.

Ngunit hindi ko pa nailalayo ang kamay ko sa ulo n'ya nang bigla na lamang n'ya iyong hinila palapit sa kanya. At dahil hindi ko napaghandaan ang kanyang ginawa, nasama rin ako sa kanyang paghila.

Isang dangkal na lamang ang layo namin sa isa't isa. Nanlalaki ang aking mga mata na nakatingin sa kanya. Habang s'ya naman ay seryoso lamang na nakatitig sa mga mata ko, na walang pag-aalinlangan sa kanyang ginawa. Hindi naman ako nakakilos at tila ba natulos na sa aking kainauupuan. Sobrang bilis din ng kabog ng aking dibdib. Hindi ko alam kung dahil ba sa kaba o dahil sobrang lapit n'ya.

Nasa gano'ng pwesto kami nang dumating ang aking sundo. Narinig namin ang pagbusina nito kaya agad kaming napalayo sa isa't isa. Binawi ko rin ang kamay kong hawak-hawak n'ya. Narinig ko ang mahina n'yang pagtikhim bago tumayo. Tumayo na rin ako para magpaalam na dahil naghihintay na sa akin ang sundo ko.

"Ahmm... A-Ano... Ahmm... S-Sige, mauuna na ako. Umuwi ka na rin."

"Sige, ingat ka!"

Ngumiti naman ako kahit ramdam ko ang konting pagkailang. Nauutal din ako dahil sa nangyari kani-kanina lang.

"I-Ingat ka rin pauwi, sige." I waved goodbye to him saka naglakad papunta sa kotse. Nag-aabang sa may pintuan ang driver ni Dad para pagbuksan ako.

Pero bago ako makapasok sa loob ng sasakyan ay narinig ko pa ang huli n'yang sinabi, na naging dahilan para mas lalong kumabog ang dibdib ko sa kaba.

"Erish, paano nga kung totoo? Paano kung sabihin kong ikaw 'yong babaeng tinutukoy ko?"

The Lovestory That We Never Had | COMPLETED | ✔︎Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon