CHAPTER 39

47 3 0
                                    

CHAPTER THIRTY-NINE

"OH MY GOSH! OH MY FREAKING GOSH! HOY BABAITA, PDA KA NA!"

Mabilis na nakalapit si Bianca sa my pinto saka nito hinila si Nicka papalayo.

Hindi ko maialis ang paningin ko kay Glen. At bakas na sa mukha nito ang pagkagulat. Mukhang nagpoproseso na rin sa utak nito kung sino ang nasa harapan n'ya at kung anong nangyari.

Damn it, Glen! Hindi ka manlang nag-react o di kaya ay lumayo mula sa halik. Did you fcking enjoy it?

At katulad ng tanong ni Nicka, do you missed her too?

Napaiwas ako ng tingin nang mapunta sa akin ang mga tingin ni Glen. Mabilis naman na pumasok si Josh kasunod si Zan, bago nagtungo sa table namin.

"Hey ano bang problema mo?" Inis na wika ni Nicka kay Bianca na nakahawak na pala sa uniform nito, habang nilalayo kay Glen.

"Problema ko? Ikaw! Ang bago-bago mo pa lang, dami mo na agd milabag na rules. First, you wear too short skirt. Hoy! Hindi ka sa club pupunta, nasa school ka, if you didin't know. Second, you kissed someone inside the school premises. PDA yan."

"Oh, fxck those rules. I don't even care 'bout that." Pagmamaldita nito.

"Sinasabi ko na nga ba eh. Inosente ka lang tingnan pero demonyeta ka rin pala. Huh! Looks like, you're one of the example of the quotation 'Looks can be deceiving'."

"And so?"

"HUH!"

Mukhang naiimbyerna na rin si Bianca. Lumalabas na kasi ang tunay na ugali meron si Nicka. At ngayon masasabi kong, mas malala pa pala ito kaysa sa iniisip ko sa kwento ni Josh sa akin.

"Glen, you're the SSG Vice President here. Hindi mo manlang ba ito susuwayin?"

Napatingin ulit ako kay Glen, naghihintay kung anong sasabihin nito. At umaasa ako na pagsasabihan manlang n'ya si Nicka.... pero mukhang hindi.

Nakatingin lamang ito sa akin na para bang sinasaulo ang itsura ko. Agad na umiwas naman ako ng tingin dahil nakakailang ang paraan ng kanyang pagtitig sa akin.

Nakakapanibago. Dahil hindi pa n'ya ako tiningnan ng ganoon dati. Yung tipong walang inis o galit, pure calmness stare. Dati naman hindi s'ya ganyan kung tumingin, ngayon pa lang.

Don't tell me kino-compare n'ya ako sa babaeng iyon in his mind.

"Hey!" Mabuti na lang kinibo na ako ni Josh, kaya napunta dito ang paningin ko.

"Oh?"

"Tang*na talaga! Muntik na ako do'n. Akala ko ikaw na 'yun, iba pala." May pandidiring wika nito bago naupo sa tabi ko na dapat ay kay Glen na pwesto. Sumunod naman si Zan na sa dating upuan ni Josh naupo habang tumatawa. But, without sound ah.

Meron bang gano'n? Meron, at si Zan ang example.

"Hindi ko alam kung matutuwa ba ako na nagbalik na si Nicka dito. Pero ang hindi ko lubos maisip ay ang pagpasok n'ya dito, nangangamoy kahina-hinala. What do you think, bro?"

"Alam mo, tama ka eh. Kahina-hinala talaga iyon. Why of all schools, dito pa talaga kung nasaan si Glen. Tsaka bakit pa s'ya nagbalik? Maganda na ang buhay n'ya sa America, with her SUGAR DADDY."

Josh emphasize the word "SUGAR DADDY".

"Totoo ba?" Hindi ko mapigilang hindi itanong.

Ngiwing tumingin sa akin si Josh.

"What? Masamang magtanong?"

"Ang chismosa mo ah. Nakarinig ka lang ng sugar daddy lumakas ang radar?"

The Lovestory That We Never Had | COMPLETED | ✔︎Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon