CHAPTER 22

45 4 3
                                    

CHAPTER TWENTY-TWO

TINATAK KO sa aking isipan na kailangan kong umiwas sa tukso—este kay Glen pala. Kailangan kong iwasan si Glen sa loob ng isa o dalawang linggo, dahil baka hindi ako makapagpigil at marape ko pa sya. CHAROT!!!!

Pero paano ko gagawin iyon kung magkasama kaming dalawa sa iisang bubong?

Wala naman sigurong mahirap kung gugustuhin mo, diba?

AJA, ERISH! PAYTING!

Kalalabas ko lamang ng dining area nang makita kong pababa na si Glen. Nakasukbit ang bag nito sa kabilang balikat habang nakasuksok ang dalawang kamay sa bulsa ng pantalon.

Simpleng uniform na puting long sleeve with a black necktie, black coat na hindi naka-butones, itim na pantalon at sapatos lang ang suot nito, the usual outfit ng isang estudyante, pero bakit ang lakas agad ng dating nya? Naka-brush up ng maayos ang buhok na mas nagpadagdag sa kagwapuhan nito.

Uniform pa lamang iyon, paano kung formal attire na? Paniguradong maka-laglag panga ito sa taglay na kagwapuhan.

Mukha s'yang malinis at goodboy, pero hindi pa rin maiaalis ang pagiging masungit nito lalo na at kay aga-aga naka-kunot na naman ang noo.

Nakangiting lumapit ako dito.

Tsaka na ako iiwas kapag may masasakyan na ako papasok at pauwi galing school. Sa ngayon, manlalambing muna ako sa kanya para libre sakay. BWAHAHAHA!

"What?" Masungit nitong tanong nang makababa ng hagdan.

I smile at him with all my heart. Iyong ngiting sigurado akong hindi nya matatanggihan.

"Pwede bang sumabay?"

"Sabay lang? Hindi ka sasakay ng sasakyan?"

"Syempre, sasakay ng sasakyan."

"Sakay lang—"

"Hindi mo ako pasasakayin o ikaw ang sasakyan ko, ano?!"

"Asa ka!"

Tsaka ito tuloy-tuloy na naglakad palabas ng bahay. Ni hindi manlang ako nilingon, kahit sagutin man lang kung payag ba sya o hindi. Basta mabilis na nawala na lang ito sa paningin ko na parang isang bula.

"Aba't—HOY!!! HINTAYIN MO'KO!" Malakas ko pang sigaw dito. "Yaya Marlyn papasok na po kami." Muli kong sigaw.

"Oh sya, sige! Mag-iingat kayong dalawa." Rinig kong sagot ni Yaya mula sa kusina.

Pagkatapos ay tumakbo na ako palabas ng bahay para maabutan ko pa ang nagsusungit na si Glen. Saktong pagdating ko sa may malaking gate ay papasok na ito ng sasakyan.

"HOY, GLEN! PASAKAY AKO! WALA AKONG MASASAKYAN PAPASOK."

Pero parang wala itong narinig at tuloy-tuloy lang na pumasok sa loob tsaka pinaandar na ang sasakyan.

Hindi pa man nagbubukas ang gate ay tinakbo ko na ang pagitan namin. Ngunit...

"Hoy! Buksan mo ang pinto, ano ba?! Pasabay naman ako oh. Paglalakarin mo ba ako mula dito hanggang sa Eastwood High?" Pinagpupukpok ko ang bintana ng kanyang kotse pero waepek.

Tamad na tumingin ito sa akin habang nakahawak sa manibela.

"Why not? Isa pa, anong silbi ng commute, diba?"

"Paano kung may masamang mangyari sa'kin habang nasa byahe? Paano kung holdaper pala ang masakyan kong taxi? Paano kung—"

"H'wag kang nega! Maglakad ka na lang kung ayaw mong magcommute. Anong silbi ng mga paa mo, diba?"

The Lovestory That We Never Had | COMPLETED | ✔︎Where stories live. Discover now