CHAPTER 51

53 5 0
                                    

CHAPTER FIFTY-ONE

MARGAUX ERISH P.O.V

WALA akong masabi kundi...

I'M REALLY PROUD OF THEM! EVEN FOR HIM!

At nang tumugtog ang isang familiar na awitin, sinasabayan n'ya iyon sa mahinang boses kaya naman rinig na rinig ko ang...

aking boses.

That song.

Ang awiting iyon ay ang kauna-unahang kanta na kinanta naming dalawa. At ngayon nga ay pinapatugtog at inaawit n'ya sa harap ng maraming tao.

Gusto kong maiyak. Siguro kung nandoon ako mismo, umpisa pa lang nagkalat na ako. At sure akong nakakahiya iyon. Magiging big news iyon sa buong campus. May issue pa nga, madadagdagan na naman.

Kaya mas mabuting dito na lang ako sa kwarto, sa harap ng laptop ko umiyak.

"Nakakainis ka Josh. Bakit ka ganyan hah? Bakit mo ako pinapaiyak na hayop ka?"

Para akong tanga dito. Kulang na lang maubos na ang isang box na tissue sa harapan ko dahil sa kaiiyak.

Nyemas!

Kung ganito lang din pala ang mangyayari ngayon, edi sana hindi na ako nanoood.

"Eh bakit ba kasi ako umiiyak? ANO BAAA? Nakakainis na hah!"

Oo nga, bakit nga ba ako umiiyak? Walanghiyang Josh Ezekiel Villaflor pinapaiyak ako.

Eh bakit nga kasi ako umiiyak?

Bakit ba kasi ako nanonood kung iiyak lang din naman pala ako.

Parang tan*a!

"This last song is for the girl who was never been my type, but she accidentally caught my heart. Kung nasaan ka man ngayon, Baby, this is for you!"

Napatanga ako sa narinig.

Bakit may pa dedicate? Eto na ba? Sasabihin na ba n'ya kung sino ang babaeng iyon?

Oo nga! Bakit ba nawala sa isip ko na may babae na palang nagugustuhan si Josh. S'ya rin 'yong dahilan kung bakit nag audition si Josh fck*ng Villaflor sa Music Club kahit last year na namin dito sa Eastwood High.

Pero bakit may pa dedicate pang nalalaman?

Nanonood ba 'yung babaeng 'yon ngayon sa concert? Kaya may pa dedicate?

Lalo pa akong naiyak. Humahagulhol na nga ako eh.

"Iha? Margaux? Ayos ka lang ba d'yan? May problema ba?"

Ayan! Narinig tuloy ako ni Manang.

"Ayos lang po ako, Manang. Wala pong problema. Nanonood lang po ako kaya umiiyak ako."

"Jusko kang bata ka. Akala ko kung napano ka na." Nakita kong sumilip ang ulo ni Manang sa nakaawang na pinto.

"Pasensya na po Manang. Na carried away lang sa pinapanood."

"Oh, s'ya. Bumaba ka na maya-maya para makakain. Gabi na darating ang mga magulang mo dahil may date raw silang dalawa. Hindi ka na sinama dahil may panonoorin ka nga raw na concert. Sabihin ko raw sayo."

Natigil ako sa pag-iyak.

"Bakit hindi nila sinabi sa akin?"

"Baka raw kasi mainggit ka at sumama pa. Hayaan mo na ang mga magulang mong mag date minsan, hindi na bumabata ang mga iyon. Ikaw, dapat maghanap ka na rin ng boyfriend mo."

"Manang talaga, daig pa ang bugaw."

Tumawa naman ito sa sinabi ko.

"Sige na, manood ka na d'yan. Sa kusina lang ako. Tawagin mo ako kapag may kailangan ka."

The Lovestory That We Never Had | COMPLETED | ✔︎Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon