CHAPTER 41

50 4 0
                                    

CHAPTER FOURTY-ONE

"NAKITA n'yo ba si Josh?" Tanong ko sa mga kakilalang nakakasalubong ko sa hallway.

Pero lahat sila ang sagot ay 'HINDI'.

"Asan na ba ang lalaking iyon? Parang kabute talaga, pasulpot-sulpot na lang bigla."

Pagdating sa room ay nakita ko agad si Bianca. Nilapitan ko ito and as usual nagkikilay na naman. Seriously, maganda ang kurba ng kilay n'ya pero naglalagay pa rin niyon para kumapal daw. Nagmumukha tuloy s'yang maldita at masungit.

"Biancs, nakita mo ba si Josh?"

"No...pe! Nope, bakit miss mo na agad?"

"Ahitin ko kaya kilay mo, want mo?"

"Eto naman kilay ko agad ang pinagdiskitahan. I don't know, hindi ko alam. Oh, ayan ha, english at tagalog na 'yun."

"Aist, ano ba 'yan. Saan ba kasi nagsusuot ang lalaking 'yun?"

"Bakit ba kasi?"

"Wala!"

"Eto naman eh, share share naman d'yan."

"CHEE! Magkilay ka na lang d'yan."

"Sabi ko nga."

Lumabas ulit ako. Kahit si Glen at Zan ay wala rin sa loob. At sigurado akong si Nicka ay nakabuntot na naman kay Glen. Ano pa nga ba. Since naman pumasok iyon ay wala na itong ibang ginawa kundi ang bumuntot kay Glen.

Nagmumukha tuloy s'yang aso kakasunod n'ya. Tsk!

She's really determined on what she plan. And that is to make Glen comeback to her. As if naman papayagan ko iyon. DUH!!! No freakin' way!

Pero asan ba kasi si Josh? Hayop na yun, pinaghahanap ako.

Nakapameywang na kinuha ko ang phone sa aking bulsa bago dinial ang number ni Josh. Pero naka-dalawang dial na ako wala pa ring sumasagot.

"Hoy, nakita n'yo ba si Josh? May tumatawag yata sa kanya eh." Napatingin ako sa loob ng room dahil sa narinig kong sigaw ng isa sa mga kaklase namin. Alam nilang may tumatawag sa kanya, so meaning, hindi n'ya dalawa ang phone n'ya? Hinayupak talaga!

Aarrggghhhh!

Nagpapadyak ako sa inis.

"Inis na inis? Gustong manakit?" Napalingon ako sa nagsalita.

"ZANNNN! Hulog ka ng langit."

Tumawa ito sa sinabi ko. "May problema ba? Parang frustrated ka eh."

"Iyon na nga eh. Nakita mo ba si Josh? Yang kaibigan mong iyan igagapos ko na talaga, kung saan-saan nagsususuot."

Mas lalo naman itong natawa sa akin. "Bakit mo hinahanap? Miss mo na?"

Masamang tingin ang ipinukol ko sa kanya. Isa pa ang bwesit na ito. Kanina si Bianca, ngayon naman si Zan?! Anong problema ng mga taong ito? Hinahanap lang, miss na agad?

"Eh kung siraan kaya kita sa bestfriend ko?"

"Eto naman, joke lang. Hindi ko alam kung nasaan. Hanapin mo sa field baka nakatambay doon."

"Ako pa talaga ang maghahanap?"

"Alangan namang ako? Eh ikaw ang may kailangan eh."

"Sige, madali naman akong kausap. Sasabihin ko kay Ella na naghihilik ka kapag natutulog."

Nanlaki naman ang mga mata nito. Huli ka balbon! HAHAHAHA!

"Aba, Erish! Walang ganyanan ah. Eto na nga tatawagan ko na ang hampaslupang iyon. Bakit kasi kung saan saan nagpupunta, eh naghahanap na 'yung asawa."

The Lovestory That We Never Had | COMPLETED | ✔︎Where stories live. Discover now