CHAPTER 55

46 4 0
                                    

CHAPTER FIFTY-FIVE

NASA gitna ako ng puting kwarto. Pakiramdam ko ay nasa isa akong paglilitis sa langit dahil tanging ang mesa at upuan lamang ang naiiba ang kulay. Al in all kulay puti lahat ng makikita sa kwartong ito.

Ngayon ko lang nalaman na may ganito pala dito. Gosh!

Kinikilabutan ako.

Bumukas ang pinto at pumasok ang pamilyar na mukha.

"Magandang umaga Miss!"

Napatayo agad ako. "Sir Gray, magandang umaga rin po."

"Hindi ko inaasahang aakusahan ka nila ng kasalanang hindi mo ginawa." Iiling iling itong lumapit sa pwesto ko. "Maupo ka. Ako ang magbabantay sa pag eexam mo."

Inabot n'ya sa akin ang test paper.

"May pagbabago sa setup ng exam. May ilang binago at pinalitan at may iba namang nirambled. Tatlong major subject lang ang binigay ni Head Principal. One subject equavalent for 150 items. Kailangan matapos mo ang tatlong subject sa loob ng tatlong oras. Kaya ba? Pero alam ko.... kaya mo, Miss."

Napangiti ako sa sinabi ni Sir Gray. S'ya 'yong instructor namin kahapon.

"Salamat sa pagtitiwala, Sir Gray."

Ngumiti itong muli kaya naman nagpuso-puso talaga ang mga mata ko. Ang gwapo kasi eh. Sana s'ya na lang naging teacher namin. CHAROT!

May Josh na 'to... ay nadulas! HAHAHAHA!

Back to the topic.

"You may now start, Miss." Pinindot na ni Sir ang timer at nilagay iyon sa ibabaw ng mesang nakalaan para sa kanya. Nasa gilid iyon, medyo malayo sa pwesto ko. Tama lang para mapanood n'ya ang ginagawa ko.

Huminga muna ako ng malalim bago pumikit at umusal ng mahinang panalangin.

Sana this time, maging maayos na ang lahat.

Unang subject ay napansin ko na agad ang mga pagbabago. Hindi man madami, tama lang para mapansin agad ng taong nagbabasa talaga ng exam at hindi basta sinasagutan na lang.

Medyo natagalan pa ako sa pagsasagot dahil medyo ginulo ang mga choices.

Nililito ba nila ako?

Akala siguro nila, hindi ako nagbabasa 'no? Tsk!

Pagdating sa pangalawang test ay para akong binagsakan ng langit at impyerno.

Ang ayaw ko sa lahat ay drugs. I hate drugs!

And math subject is drugs.

General Math makes my head cracked into pieces. Ang sakit sa ulo. Gagi!

Sa math yata ako mamamatay eh. Ang pangit namang pakinggan na, isang estudyante natagpuang patay sa isang classtoom. Cause of her death? Math!

Mygosh! I hate drugs!

Makalipas ang dalawang oras at kalahati nakahinga na ako ng maluwag. Itinaas ko ang aking kamay para kunin ang atensyon ni Sir Gray.

Nakahalukipkip ang guro habang nakatungo. Natutulog ba si Sir? Pero nang makita kong umangat ang tingin nito papunta sa akin, nakompirma kong hindi.

"As expected, Miss. Wala pang tatlong oras natapos mo na. Sure ka ba sa mga sagot mo?"

"Sure ako, Sir! Siguro naman hindi na nila ako aakusahang nandaya sa exam." Nilingon ko ang buong kwarto. Ngayon ko lang napansin ang apat na camerang nasa bawat kanto ng classroom na ito. "Para kasing isang malaki at walang kapatawarang krimen ang ginawa ko."

The Lovestory That We Never Had | COMPLETED | ✔︎Where stories live. Discover now