CHAPTER 48

53 3 0
                                    

CHAPTER FOURTY-EIGHT

MABILIS na lumipas ang bawat araw. Ika'tlong araw na ng Foundation Day ngayon at nandito ako, nakatulala at nagmumukmok sa kwarto. Walang ganang bumangon at nananakit na rin ang mga mata dahil puro pag-iyak na lang ang ginagawa ko.

Sa dalawang araw na lumipas wala akong ibang ginawa kundi ngumuwa tuwing gabi. Wala yatang kapaguran ang luha ko at kahit nakatulala lang ako, nararamdaman ko na lang may luha nang tumutulo sa pisnge ko.

Hindi pa rin ako pumapasok. At hindi ko alam kung kaya ko pang pumasok, kung ang tingin sa akin ng lahat ay traydor katulad ng kanilang iniisip.

Kumalat ang chismis na ako ang may kasalanan sa paglabas ng family issue nina Ella. Sabi pa nila traydor akong kaibigan. Na masama akong babae. Na akala ng lahat mabait ako, pero may tinatago rin palang sungay. Maraming naawa kay Ella at mas maraming nagalit sa akin.

"Kung may susunod pa ito, sana pinagsabay na ninyo. Para isang bagsakan na lang 'yung sakit. Baka kasi hindi ko na kayanin kapag may sumunod pa."

Para akong pinagkakaisahan ng mundo. May ginawa ba akong masama para maranasan ko ito. Lalo na sa mismong kaibigan ko pa talaga? Bakit sa lahat ng tao, s'ya pa?

Matatanggap ko pa kahit buong mundo akusahan ako, h'wag lang s'ya. Huwag lang ang nag-iisang kaibigan na meron ako, simula pagkabata. Kapatid na ang turing ko sa kanya pero pakiramdam ko sa aming dalawa ako pa ang mas trinaydor n'ya.

Nakakatanggap ako ng text mula kina Bianca, Zander at Glen. Kinakamusta at tinatanong kung kailan ba ako papasok. Hindi ko sila magawang replayan dahil wala akong gana. Ayokong makipag-usap kahit kanino, mula sa kanila.

Masakit eh!

Kahit iyong nag-iisang taong inaasahan ko na makakaramay ko kapag tinatakwil ako ng mundo, iniiwasan ako. Wala akong makausap. Tanging ang unan ko na lang ang iniiyakan ko.

Akala ko mananatili rin s'ya sa tabi ko kahit na gaano pa ako kakomplekado. Akala ko mag-istay s'ya....

Hindi pala.

Kasi pinabayaan na rin n'ya ako. Para bang walang pakielam kung anong nangyari sa akin. Kung ano bang nararamdaman ko ngayon. Kung okay na ba ako o hindi.

O baka naman wala pa s'yang alam sa nangyari? Naiintindihan ko. Naging busy s'ya sa banda. Alam kong ayaw n'yang biguin ang banda lalo na ang mga pumili sa kanila.

Ilang beses ko ulit s'ya tinitext pero wala talagang reply galing sa kanya. Hindi ko tuloy alam kung narereceived ba n'ya o hindi.

To: JoshPogi
Josh please, I need you now! Kailangan kita ngayon, pero bakit pati ikaw wala rin?

To: JoshPogi
Josh nakakainis ka! Umiiyak ako ngayon.

To: JoshPogi
Josh alam kong pang aabuso na ang ginagawa ko. Sa tuwing umiiyak na lang ako, ikaw ang nalalapitan ko. Pero kasi... ikaw lang 'yong alam kong makakaintindi sa akin eh. Pero bakit wala ka ngayon dito?

To: JoshPogi
Josh, nagalit sa akin si Ella. Why of all people bakit s'ya pa? Bakit ako pa? Bakit kami pa?

Am I bad person?

To: JoshPogi
Asan ka na? Samahan mo naman ako oh.

To: JoshPogi
Sorry to disturb you, busy ka nga pala.

To: JoshPogi
But still, I need you.

I even call him for how many several times, but I can't reach him. Mukhang blinock talaga ako. Kahit kasi sa messenger, block ako. Bakit naman Josh?

The Lovestory That We Never Had | COMPLETED | ✔︎Where stories live. Discover now