CHAPTER 58

49 6 0
                                    

CHAPTER FIFTY-EIGHT

To fall in love is easy.
Staying in love is a challenge.
Letting go is the hardest part.
And Moving on is a damn suicide!

***

ITINAAS ko sa aking ulo ang suot na black sunglass saka sinipat ang labas ng airport. Maraming nagkakagulong media sa labas at nag-aalangan ako kung lalabas pa ba o hindi.

"Miss, ready na po ang kotse. Handa na rin po ang mga bodyguards kung sakaling magkagulo ang mga media." Anang si Rio. One of my personal bodyguards—ayon kay Ate Sammy slash friend.

Actually, joke lang talaga iyong bodyguard—feeling bodyguard lang talaga. Takot kasi kay Ate Sammy.

"Rio..."

"Yes, Miss?"

"How many times do I need to tell you stop calling me Miss and those 'po' mo. Gaano na ba ako katanda sa paningin mo? Gosh! Feeling ko Tita na ako sa tuwing tinatawag mo ako n'yan."

He showed me his sly smile sabay kamot sa batok.

"Sorry na. Sumusunod lang naman ako sa utos ng Ate Sammy mo. Alam mo naman ang babaeng iyon, feeling n'ya I'm always hitting on you."

Natawa ako. "Huwag mong intindihin si Ate Sammy, selos lang 'yon."

"Asa!" He hissed.

Napahagikhik ako.

Rio is one of Ate Sammy's friends of friends. Nagkakilala kami sa France, seven years ago. And since that day, naging close kami dahil magaan itong kausap kaya nakasanayan ko na. Isa pa, bukod kay Ate Sammy, s'ya lang naman ang kakilala ko roon.

Rio is half Filipino, half Spanish. Sa Pilipinas ito pinanganak at sa France lumaki. His mother is pure Filipina and his father is pure Sapanish.

Pero kung magtagalog s'ya sanay na sanay. Minsan nagkakaroon ng slang ang salita n'ya but it's cute naman. Kapag nagsalita s'ya ng english, doon mo mahahalata ang pagiging dugong banyaga nito.

Mano-nosebleed ka.

"What now Erish?"

Yeah, what now, Erish?

"Hindi ba tayo aalis? Kawawa naman mga kaibigan ko sa labas. Sila ang pinagkakaguluhan ng media."

Napatingin ako sa glass door ng Terminal III. At nakita kong haggard na nga ang mga kaibigan ni Rio na s'yang naging instant bodyguard ko.

Hindi maipagkakailang magagandang lalaki ang limang feeling guard sa labas. Dahil sa taglay na dugong banyaga ay litaw na litaw ang kaputiang taglay. Nakasuot ang mga ito ng black suit, mula sa pang-itaas hanggang sa suot na sapatos ay puro naka-itim ang mga ito. Nakasuot din sila ng black sunglass at tanging buhok lamang ang naiiba ang kulay.

Hindi naman magkaintindihan ang mga babaeng reporters dahil sa limang lalaking nasa harapan nila.

"Fine, lalabas na. Marunong pa naman akong maawa kahit papaano."

Ngunit hahakbang pa lang ako ay agad akong natigilan.

Damn it, Erish! Anong problema mo?

Sa Paris libo-libong camera ang nasa harapan mo at kada minuto ay flash ng mga cameras ang bumubungad sa'yo. Picture roon, picture rito. Pose roon, pose rito. Smile roon, smile rito.

Pero bakit ngayon, parang nahihiya ka yatang magpakita sa camera?

"Erish get to your damn senses! Camera lang 'yan. At sa loob ng apat na taon, palagi kang humaharap sa camera. Ngayon ka pa ba mahihiya?" kastigo ko sa sarili.

The Lovestory That We Never Had | COMPLETED | ✔︎Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon