CHAPTER 6

83 6 32
                                    

CHAPTER SIX

"A-ANONG n-nangyari? Sino ka—Josh?!"

Inalalayan nya ako para tumayo at makaupo sa malapit na bleachers dito sa loob ng gym.

"What do you think your doing? Paano kung hindi ako dumating? Malamang ay napagpyestahan ka na ng mga ugok na iyan," malakas na singhal nito sa akin.

"Kung hindi ka dumating, malamang ay gano'n nga ang nangyari sa akin."

"Seriously, Erish?! At anong ginagawa mo dito? Dapat ay umuwi ka na dahil hindi maganda ang pakiramdam mo."

Tumayo ako pero nakaramdam ako ng hilo at napakapit sa ulo ko. Mabilis na inalalayan naman ulit ako ni Josh at muling pinaupo.

"Tengene! Mukhang dumoble yata ang sakit ng anit ko ah," natatawang sambit ko sa sarili.

"AAAHHHH!" Hiyaw ko nang bigla nyang pinisil ang ulo ko na sinabunutan ni Bianca kanina at ngayon naman ay ng walanghiyang lalaking iyon. "Gague ka ba? Kita mong masakit eh!"

"Testing lang!"

Inirapan ko sya. "Ano bang ginagawa mo dito?"

"Eh ano rin bang ginagawa mo dito?"

"Seriously Josh? Sagutin ba naman ang tanong ko ng tanong din?"

"Malupet na sagot ang tawag doon."

Napailing na lang ako. Ang hirap nya kausap, nakakabopols.

"Nakita ko kasi ang kaibigan mo na si Ella sa hallway. Tinanong ko sya kung saan sya papunta at sinabi nyang dito sa gym. Nakiusap na baka pwedeng ako na lang daw ang magdala ng bag mo sayo, saktong papunta rin ako dito dahil may nalimutan ako sa locker ko. So, dahil mabait akong nilalang kinuha ko ang bag mo para dalhin sayo. Sinabi rin nya na sorry daw dahil nagkaemergency sa kanila kaya nagmamadali syang umuwi, hindi na raw sya makakapunta rito. And that goes the story why I'm here, you know!"

Inabot nya sa akin ang bag ko, na ngayon ko lang nakita na hawak pala nya kanina pa.

Hinablot ko iyon sa kanya. "Edi wow!"

"Ang pilosopa mo talaga noh? Kaya naman inis na inis sayo si Pareng Glen. Wala ka kasing pinapalampas. Kung anong gusto mong sabihin at gawin, iyon talaga ang gagawin mo."

Speaking of Glen, itanong ko kaya sa mokong na ito kung may heartbreak bang nangyari sa taong iyon kaya ayaw na ayaw sakin?

Pero ano naman ang kinalaman ko doon, right?

Aistt! Ewan! Bahala na nga!

"Hoy, para kang engot dyan. So, ano nga ulit ginagawa mo dito?"

Hindi ko mapigilang hindi umirap dahil sa kaengotan nya. Nagka-amnesia na ba sya?

"Nakalimutan mo na ba? Diba may punishment ako, dahil sa ginawa ko daw kay Bianca."

"Aaahh! Iyon ba? Umuwi ka na, ako na ang bahala kay Glen. Tsaka about doon sa nangyari sa cafeteria, hindi ako naniniwalang ikaw ang nauna. Alam kong may dahilan ka kaya nagawa mo ang bagay na iyon. Hindi ka gano'ng babae. Sa loob ng dalawang taong nakakasalamuha kita ay natutunan kong kilalanin kung anong ugali meron ang future girlfriend k—I mean future girlfriend ng kaibigan ko.

Tumaas ang isa kong kilay dahil sa pagkadulas nya.

"Typo 'yun. H'wag mo nga akong tingnan ng ganyan. Para bang may nagawa akong malaking kasalanan sa iyo."

"Psh!!"

Bumuntong hininga ako.

"Buti ka pa! Marunong maka-appreciate ng iba. Hindi katulad ng kaibigan mong pinaglihi yata sa sama ng loob. May allergy yata sa akin ang lalaking yun eh."

The Lovestory That We Never Had | COMPLETED | ✔︎Where stories live. Discover now