CHAPTER 46

52 5 0
                                    

CHAPTER FOURTY-SIX

PARA bang may mabigat na tensyong bumabalot sa table namin. O baka sa pagitan lang namin ni Josh? Hindi naman kasi ganoon ang iba. Nagkukwentuhan pa nga at tawanan sila eh.

Kami lang talaga ni Josh ang tahimik—o baka ako lang talaga? Nakikipagtawanan na kasi s'ya kina Zan sa tuwing bumabanat ito ng joke sa kaibigan ko.

Pero ako? Hindi ko magawang ngumiti o tumawa manlang.

Siguro dahil hindi ako kinikibo ni Josh, na ngayon lang nangyari.

"Kumain ka. H'wag mong titigan lang ang pagkain. Hindi ka mabubusog n'yan."

Umangat ang paningin ko sa lalaking naghihiwa ng vhicken na nasa plate ko. May parte sa akin na umaasang si Josh ang gumagawa niyon, pero bigo ako. Maingat na hinihiwa ni Glen ang karneng nasa harapan ko.

Bakit ganoon? Dati-rati pinangarap kong gawin ito ni Glen sa akin. Kinikilig pa nga ako kapag iniimagine ko iyon, pero bakit wala? Bakit wala akong maramdamang kahit anong kilig sa katawan ko ngayon.

Mas bumigat lang ang pakiramdam ko nang mapatingin sa pwesto ni Bianca. Nakikipagtawanan ito kay Josh at tawang tawa naman ang hinayupak na lalaki kahit na hindi ko naman alam kung anong pinagtatawanan nila.

Nag-init ang gilid ng mga mata ko. Hindi ko alam kung bakit. At kung alam ko man, hindi ko naman maamin.

Iniiwas ko na ang aking paningin sa kanila at doon ko natagpuan na nakatingin pala sa akin si Glen. May gusto itong sabihin pero hindi n'ya magawang magsalita.

Nakita ba n'ya ako? Napansin kaya n'ya?

"Bespren, okay ka lang?" Bumaling ako kay Ella bago ngumiti at tumango.

Kinain ko na lang ang kanin at chicken ko para matapos ko. Gusto ko nang lumabas dito dahil bigla akong nairita sa boses ni Bianca. Wala namang ginagawa si Bianca at hindi nito alam kung anong nararamdaman ko ngayon, kaya hindi n'ya kasalanan.

Hindi dapat ako nagkakaganito.

Hindi dapat. Pero....

Pero bakit ganito ang nararamdaman ko?

"Uy, Erish! May iba ngayon sa'yo ah. Ang tahimik mo masyado," sita sa akin ni Bianca.

Para bang bigla na lang may sumapi sa akin na kung ano at tinaasan ko s'ya ng kilay.

'Nong nag-iingay ka ba kanina, pinakielaman kita? Tahimik na nga ako, napansin mo pa?

"Ikaw nga, ang ingay mo masyado. Hindi mo ba alam na nakakairita ang boses mo?"

Gulat na napatingin sila sa akin. Bakit? May nakakagulat ba sa sinabi ko. I'm just telling the truth, duh!

"Oh-kay? Sorry." Mukhang napahiya naman si Bianca at nanahimik na lang.

"Bespren?" Napatingin ako kay Ella na nakakunot na rin ang noo sa akin.

At doon ko lang napagtanto kung anong ginawa ko. Nahihiyang tumayo ako para magpaalam.

"S-Sorry... H-Hindi ko sinasadya. Mauuna na pala ako. Naalala kong may pinaguutos nga pala si Mrs. Ramirez sa akin bago pumunta dito. Sige!"

Nagmadali na akong lumabas ng Mcdo ng walang lingon-lingon pa. Narinig kong tinawag ako ni Ella pero tuloy-tuloy lang ako. Nang tuluyan nang makalabas ay doon na ako lumingon sa pintuan.

Akala ko susundan ako ni Josh. Pero wala akong nakitang lumabas.

Damn it!

Bakit ba si Josh ang hinihintay kong sumunod sa akin? Tsaka bakit ba s'ya ang iniisip ko.

The Lovestory That We Never Had | COMPLETED | ✔︎Where stories live. Discover now