CHAPTER 21

48 3 5
                                    

CHAPTER TWENTY-ONE

I'M STANDING right here in the middle of De Chavez Mansion's living room. Dala-dala ang maleta ko na naglalaman ng mga damit kong pang dalawang lingguhan na.

I'm right! Not left, not front and back but right. CHAROT!!!

Hindi nga ako nagkamali. Hindi lang basta coincidence ang lahat. Dahil heto na nga ang ebidensya, diba?

Nandito ako sa mansion nina Glen, at dito ako titira sa loob ng ilang linggo hanggang sa hindi pa dumadating sina Mommy. Pagdating sa bahay ay may iniwan si Mommy na letter na nagsasabing nakapagkasunduan na nila ni Tita Hanna—which is Glen's Mom na dito muna ako pansamantala.

Kasama din kasi nina Mom at Dad ang parents ni Glen papunta sa London. Magka-sosyo kasi ang parents namin sa wine factory na naka-base sa London. At dahil matalik na magkakaibigan ay parang pamilya na rin ang turingan sa isa't isa.

I know naman na SOON magiging pamilya na talaga ang families namin lalo na kapag kinasal na kami ni Glen. Eme~ Hindi masamang managinip ng gising ah.

Parang anak na rin kasi ang turing nina Tita at Tito sa akin, at gano'n din sina Mom at Dad kay Glen.

At ewan ko ba kung pinaglalaruan kami ng tadhana, o talagang gusto n'yang mapalapit ako kay Glen? Eto naman talaga ang gusto ko diba? Ang makasama at mapalapit sa kanya.

Pero bakit hindi ako masaya?

Because natatakot ako na baka... baka kasi habang nahuhulog ako at hindi na makaahon ng tuluyan, pinapaasa ko na naman pala ang sarili ko na ikadudurog ko lang din naman.

"Margaux, iha! Mabuti naman at naririto ka na. Naku, namiss kitang bata ka."

Napangiti ako nang makitang sumasalubong si Yaya Marlyn sa akin. Dala-dala na naman nito ang sandok nya. Mahilig kasi talaga ito magluto at talagang napakasarap ng mga lutong pagkain nya. At iyon ang nagustuhan ko kay Yaya, bukod sa mabait at maalaga pa sya.

"Yaya Marlyn!!! Namiss ko din po kayo!"

Mahigpit na niyakap ko ito.

"Bakit hindi ka manlang dumadalaw dito? Namiss ka na ng mga lutong bahay ko eh."

"Naku, miss ko na rin po masasarap n'yong mga luto Yaya."

"Mabuti na lamang at hindi ako nagleave. Aalis pala sina Madam kasama ng parents mo. Nasabi na din nila sa akin na dito ka nga muna pansamantala. Nag-aalala ang mga magulang nyo ni Glen na baka daw walang tumingin sa inyo habang wala sila, kaya ako na ang nagpresenta."

"Ang bait talaga ni Yaya. Kaya dabes ka eh!"

"Bolera ka talagang bata ka. Oh, halika na sa kusina. Nakapaghain na ako para makakain na kayo ni Glen. Malapit nang maghapunan eh."

"S-Si Glen po?"

"Nasa kwarto pa. Pagdating ay dumiretso agad doon at inaantok pa daw sya. Mukhang hindi yata nakatulog ng maayos kagabi. Naku! Ang batang iyon talaga, mukhang uminom na naman kaya hindi agad nakatulog."

Kung ang iba ay alak ang ginagawang pampatulog, si Glen ay kabaliktaran. Kapag nakainom sya kahit isang baso o konti lang, hindi agad ito nakakatulog ng maayos. Kaya nga minsan kapag may project o paperworks na kailangang tapusin agad titikim ito ng isang basong beer para hindi agad antukin.

Kakaiba, diba?

Syempre, nag-iisa lang sya sa mundo eh. Naks!

"Ako na lang po ang tatawag sa kanya."

"Mabuti pa. Alam mo naman kung saan ang kwarto ng batang iyon, diba?"

"Oo naman po!" Kabisadong kabisado ko po kaya yaya.

The Lovestory That We Never Had | COMPLETED | ✔︎Where stories live. Discover now