CHAPTER 8

61 6 16
                                    

CHAPTER EIGHT

PAKIRAMDAM ko ay biglang nagtaasan lahat ng dugo ko sa ulo. Nag-init din ang magkabilang pisnge ko, hindi dahil sa kilig kundi dahil sa inis.

Nakaramdam ako ng pang-iinsulto sa sinabi nya. Anong tingin nya sa'kin, babaeng cheap? Two timer? Mahilig ba ako sa barbeque? Tho, I love that food, but I'm not what he think. Na tutuhugin ang magkakaibigan? Matapos magkagusto sa isa, sa isa naman tapos isusunod naman 'yung isa. Gano'n ba ang tingin nya sa akin.

Nabitawan ko ang braso ni Ella. At alam kong alam na nya kung anong naramdaman ko sa sinabi ni Glen.

I chuckled.

"Tinulungan lang ako sa punishment mong unfair, sa tingin mo may gusto na agad? Gano'n ba kababa ang tingin mo sa feelings na meron ako para sayo, Glen?" I said na hindi bumabaling sa kanya. Nakatalikod pa rin ako sa kanila.

Ayoko mang gumawa ng eksena dito lalo na at nakakahiya kay Kuya Mico, pero ang sama ng dating nang sinabi nya eh.

Kahit kailan ay hindi ako nagkagusto sa iba habang gusto ko sya. Kapag nagkagusto ako sa isang lalaki, sya at sya lang ang gugustuhin ko, kahit napakaraming mas deserving ng pagmamahal na ibibigay ko.

Kahit sobrang sungit nya, hindi ko naisip na palitan sya sa puso ko.

Sya ang tinitibok nito kaya bakit ako magkakagusto sa iba, kung kahit mismong puso ko hindi sya kayang tanggalin dito.

Kahit palagi nya ako tinutulak palayo, sa kanya pa rin ako nagkakagusto. Kahit suwayin ko man ang puso ko na h'wag syang gustuhin, hindi pa rin ito susunod, dahil kahit ako mismo hindi masuway ang sarili ko.

Humarap ako sa kanya, habang walang emosyong ipinapakita.

"Akala mo ba gano'n kadaling palitan ka? Oo nga at hindi mo ako pinapansin minsan at palagi pang sinusungitan. Pinagtatabuyan mo rin ako, pero hindi sapat na dahilan 'yun para mawala ang feelings ko sayo agad-agad. Hindi ako kasing babaw ng iniisip mo. Ikaw ang mababaw, Glen. Ang babaw ng pag-iisip mo."

Pilit na pilit na huwag akong pumiyok sa harapan nila. Dahil ayokong makita nila na umiiyak ako dahil lang sa kanya. Dahil lang sa lalaking napakahirap abutin.

Pagkatapos ay hinila ko na si Ella palabas ng restau. Leaving then shocked and speechless dahil sa nakakalokang confession ko in public.

Jusko! Sana lang ay walang nagvideo para hindi magtrending ang maganda kong mukha. Dahil kung mangyari iyon, mas gugustuhin ko na lang na magpalamon sa lupa.

Bwesit kasi eh!

Ano bang pag-iisip meron ang gagueng Glen na iyon? Pasalamat sya dahil mahal ko sya kahit na ganyan sya. PSH!

"Sa rooftop tayo maglunch mamaya. Marami kang ikukwento sa akin." Tinaas-baba pa ni Ella ang kilay.

"Oo na!"

"Bye, bespren! Btw... ang astig mo kanina." Kumindat muna ito bago kami tuluyang maghiwalay ng daang pupuntahan.

Remember, nasa Section A na ako. At sigurado akong makikita ko na naman si Glen doon dahil katabi ko lang naman sya. Haist!

Mukhang hindi ko nga talaga maiiwasang hindi sya makita. Naiinis pa rin ako. Pinagmukha nya akong cheap at two timer. GRRRR!

Pagpasok sa loob ng room ay nanlilisik na mga mata agad ni Bianca ang natagpuan ko. Inirapan ako nito na ipinagsawalang bahala ko na lamang at dumiretso na sa upuan ko.

Kinuha ko ang aking phone sa bag saka nagsuot ng earphone sa tenga. Shinuffle ko ang nasa playlist ko at nilagay sa full volume ang sound.

Ipinikit ko ang aking mga mata bago sumandal sa sandalan ng aking upuan. Hayyssss... Ang calming ng ara—

The Lovestory That We Never Had | COMPLETED | ✔︎Where stories live. Discover now