CHAPTER 24

40 4 0
                                    

CHAPTER TWENTY-FOUR

MAAGA pa lamang ay nakaabang na agad ako sa labas ng kwarto ni Glen. Magdamag ba naman akong hindi nakatulog ng maayos dahil sa pag-isip sa aking phone na bigla na lamang inisnatch ni Glen kagabi.

Wala namang mahalaga about sa phone. Ang kinakabahala ko lang is baka buksan nya iyon tapos makita n'yang mukha nya ang unang bubungad doon. Picture lang naman nya ang lock screen at wallpaper ko.

Tsaka baka biglang magtext si Ella at mabasa nya ang convo namin. Laging sya pa naman ang aming topic. HUHUHU!

Alam kong hindi naman sya pakielamerong tao pero baka lang naman, baka lang macurious sya. Sabi nga, curiousity can kills a cat.

Isang oras na akong nagbabantay dito pero hindi pa ito lumalabas. Papasukin ko na sana pero lock naman ang pinto.

"Hindi kaya ay naisahan ako ng mokong?"

Nagmamadaling bumaba ako sa kusina para hanapin si Yaya Marlyn.

"YAYA!"

Muntik na nitong mabitawan ang hawak na sandok.

"Jusko mahabaging marya! Iha bakit nanggugulat ka?"

"Sorry na Yaya. Nagmamadali kasi ako eh. Gusto ko lang sana itanong, umalis na po ba ang alaga nyo?"

"Si Glen ba kamo? Hindi pa. Bakit? Nag-away ba kayong dalawa? Kagabi ay nagising ako na may nagsisigawan, akala ko ay sa kabilang bahay lamang."

"Naku, hindi po. Hindi po kami nag-away. Hinahanap ko lang po si Glen dahil sasabay ako sa kanyang pumasok ngayon."

"Ganoon ba? Hindi pa sya bumababa. Heto nga at dadalhan ko na lamang sa kwarto ng almusal. Maupo ka muna at kumain bago pumasok."

"Ako na lang 'Ya."

"Ang?"

"Ako na lang po ang magdadala sa kanya nito para hindi ka na umakyat pa. Kakausapin ko rin naman po sya eh."

"Ikaw ang bahala. Basta pagkatapos mong dalhin ito sa kanya ay bumaba ka na para makakain."

"Opo! Pero... pwede po bang pahiram ng susi ng kanyang kwarto? Kung sakaling hindi po ako pagbuksan ay ako na lang ang papasok."

"Baka magalit sayo si Glen. Alam mo namang ayaw na ayaw n'yang may ibang pumapasok sa kwarto nya, diba?"

"Alam ko po Yaya. Pero baka lang kako... alam nyo na... makalusot. HEHEHE!"

"Ikaw na bata ka talaga oh! Oh s'ya sige, heto ang susi. Mag-ingat ka lamang na h'wag n'yang mahuling naroroon ka sa loob."

"Opo, salamat yaya! Akyat na'ko ah."

Pagkatapos ay inabot ko na ang susi saka sinilid sa bulsa ko bago kuhanin ang tray na may lamang pagkain ni Senyorito Glen. May egg sandwich, bacon and hotdog at meron ding black coffee. .

So, he don't like heavy beakfast huh?! Ano 'yun, diet? Sarap kaya ng kanin. At sarap din ng buhay ng senyorito dahil dadalhan pa talaga sya ng pagkain sa kwarto. Wow, breakfast in bed lang ang peg.

Nang makarating sa harap ng pinto ng kanyang kwarto ay agad din akong kumatok.

"Senyorito Glen! Naririto na po ang almusal ninyo." Pero walang sumagot o nagbukas manlang ng pinto. Naghintay ako ng isang minuto pero wala pa rin.

Limang beses kong pinukpok ng malakang ang pintuan, para magising ang natutulog na kaluluwa ng hinayupak.

"YOHHOOOO! ARE YOU THERE?"

Still, no response from him.

Ano kayang nangyari do'n? HALA! Baka binangungot siya kagabi dahil sa pang-isnatch ng hindi nya pagmamay-ari tapos ngayon hindi pa rin nagigising. OHMY!

The Lovestory That We Never Had | COMPLETED | ✔︎Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon