CHAPTER 42

50 3 0
                                    

CHAPTER FOURTY-TWO

NAGULAT ako sa pagsigaw ni Josh. Pero mas nagulat ako nang bigla s'yang lumapit sa akin saka ako niyakap ng mahigpit. Tuwang tuwa ito na tila ba may naresolba akong isang malaking problema, na kanina pa n'ya gustong magawan ng paraan.

"Ah, anyare?" Naguguluhang tanong ko nang humiwalay na s'ya sa pagkakayakap sa'kin.

"Iyon 'yung tonong kanina ko pa gustong marinig. Kanina ko pa iyon iniisip, ikaw lang pala ang makakapagbigay ng tono sa kantang sinulat ko."

"Yun lang ba? Don't mention it, it's nothing."

"But for me, it's more that nothing. Binigyan mo ng buhay ang bawat katagang iyon."

Pakiramdam ko ay nag-init ang buo kong mukha sa papuring ibinibigay ni Josh ngayon.

Langya, daig ko pa ang batang kinikikig eh.

"Ganito na lang, i-record natin ang pagkanta mo. Credits ko na sayo kapag nagperform kami, i-dedicate ko pa."

"Kahit h'wag na. Ikaw naman ang nagsulat eh, nilagyan ko lang ng tono."

"Kahit na. Hhmmm... ano kayang pwede?" Humalumbaba ito, malalim ang iniisip. "AHA! Alam ko na! Collab na lang tayo, para hindi ka na tumanggi pa."

Mukhang wala naman akong takas sa isang ito kaya ngumiti na lang ako saka pumayag.

Napag-usapan na namin 'to dati at hindi ko alam na mangyayari na ngayon.

Sino ba namang hindi makakatanggi sa isang Josh Villaflor? Sobrang galing kaya n'yang kumanta. Malamig at nakakadala ang boses n'ya. At alam kong hindi lang ako ang gustong maka-duet at collab ang lalaking ito, pagdating sa entablado. Siguro kung ibang babae ang bibigyan n'ya ng ganoong offer, walang pang tanong tanong, u-oo na agad ito.

"Doon tayo sa studio."

"Sige."

Kinuha na n'ya ang mga papel na nakakalat sa damuhan. Ako naman ang nagdala ng gitara n'ya dahil marami na s'yang dalang crumpled papers at note n'ya.

Sabay kaming naglakad papunta sa kabilang building, kung nasaan ang auditorium. Malapit doon ang Music room, Music club office at ang magiging studio nila ng banda.

Maraming napapatingin sa amin dahil siguro nagtataka sila kung bakit ako ang may dala ng gitara ni Josh.

Nang makakita ito ng trash can ay itinapon na n'ya doon lahat ng drafts na hindi na kailangan at mga kuyumos na papel. Pagkatapos ay dumiretso na kami sa studio.

"Uy, Kuya dude! Nandyan ka na pala," bati ni Hanz pagkapasok namin sa loob.

Kompleto ang banda. Si Josh lang pala ang naliligaw sa kung saan-saang lupalop ng campus.

"May kasama ka pala, Kuya pre?" Sinulyapan ako ni Adrian na may hawak na drum stick. Pinapaikot-ikot nito iyon sa dalawang daliri.

Cool!

"Kuya Idol, chicks mo?" Pilyong tanong naman ni Dwane.

Napangiwi ako. Ano ako, sisiw?

"Hindi ba ikaw si Margaux? Wow!" Amuse na tumingin si Santi kay Josh. "Kuya Josh kaibigan mo pala si Margaux? Nice! Mukhang ganado ako sa pagpractice ah." Ngumisi ito bago kumindat sa akin.

Mukhang may crush pa yata sa akin ang batang ito.

Wala naman akong naramdaman ilang dahil mukha silang mga harmless. Siguro dahil alam ko na mukha silang mga yagit sa paningin ko. HAHAHA! Char! Tsaka hindi creepy ang ngisi n'ya. Mukha s'yang boy next door tapos kumindat pa.

The Lovestory That We Never Had | COMPLETED | ✔︎Where stories live. Discover now