CHAPTER 57

66 6 0
                                    

CHAPTER FIFTY-SEVEN

JOSH EZEKIEL P.O.V

KINABUKASAN ay late na akong nagising. Madaling araw na yata ako nakatulog dahil hindi mawala sa isipan ko ang nangyari sa amin ni Erish. Kiss lang 'yon pero sobrang laki ng epekto sa sistema ko.

Damn!

Kung may makakakita lamang siguro sa akin, pagkakamalan nila akong baliw dahil ngiting ngiti ako.

Binabaliw mo ako, Erish!

Pero bakit n'ya ako hinalikan?

URRGGHHH! This makes me insane! Nagmumukha na akong tanga habang naliligo. Kahit nang magbihis na ako ng uniform ay nakangiti pa rin ako. Kahit sa paglabas ko ng kwarto hanggang pagpasok ko ng sasakyan ay nakangiti pa rin ako.

Hindi mawala-wala ang malawak na ngiti sa aking labi.

Inagahan ko ang pagpasok dahil hihintayin ko si Erish sa labas ng gate. Hindi ko na s'ya sinundo sa kanila dahil baka hindi pa kami makapasok na dalawa.

Pagkatapos kong mai-park sa loob ng campus ang kotse ko. Mabilis na tinakbo ko pagitan ng parking lot at gate.

"Good morning Manong!" Masiglang bati ko sa on-duty na guard.

"Good mood tayo ngayon bata ah. Sinong hihintayin mo at bumalik ka pa?"

"Girlfriend ko, Manong." Malaki ang ngising sagot ko.

"Si Ms. Santanilla ba 'yan? Aba! Hindi ka na pala torpe." Tinawanan ko lang ang sinabi ni Manong na nakangisi.

Hindi ako torpe.

Hindi pa lang talaga iyon 'yong tamang pagkakataon. Pero ngayon? Siguro, pwede na. Pwede na akong umamin sa kanya.

Makikita ang saya ng mood ko dahil sobrang energetic ng pakiramdam ko.

Can't wait to see my baby!

May ilang bumabati sa akin kaya sinusuklian ko ang mga ito ng matamis na ngiti. Bakit ba? Masaya ako eh.

Marami na ang dumadating na estudyante pero wala pa si Erish. Hindi ko pa nakikita ang sasakyan nila. Kung mag commute man ito, nakikita ko naman ito agad.

"Baka traffic? Siguro nga naabutan ng traffic. Napaka naman talaga ng babaeng iyon."

Naghintay pa ako ng ilang sandali, ngunit walang Erishna dumating. Sinulyapan ko ang aking wrist watch at nakitang malapit ng mag time.

1 hour.

2 hour.

"Hindi ka pa ba papasok, bata? Mukhang hindi naman papasokang hinihintay mo eh."

No! Hindi ako papasok hangga't hindi dumarating si Erish. Late lang 'yon. Sure ako. Sure ako darating s'ya. Papasok s'ya. Ngayon na malalaman kung nakapasa ba s'ya, kaya bakit hindi ito papasok.

"Maya-maya Manong."

"Hinahanap ka ng mga kaibigan mo."

Napatingin ako sa loob ng gate. Palapit sina Zander.

"Hoy! Gague anong ginagawa mo d'yan? Hindi mo ba titingnan ang result ng exam?" wika ni Zander.

"Mamaya na. May hinihintay pa ako."

"Si Erish? Gague bro! Hindi mo ba alam? Nasa loob sina Tita. Hindi nila kasama si Erish."

Doon ako napatigil.

"Nasa loob ang parents ni Erish? Bakit hindi ko nakitang dumating?"

"Kay Erish ka naka-focus eh. Ano? Tara!"

The Lovestory That We Never Had | COMPLETED | ✔︎Where stories live. Discover now