CHAPTER 7

63 7 16
                                    

CHAPTER SEVEN

NAKAUWI na ako't lahat ay hindi ko pa rin maalis ang ngiti sa aking labi. Ewan ko pero gumaan talaga ang loob ko kay Josh dahil sa ginawa nya. Hindi kami close na dalawa pero hindi nya ako iniwanan kanina, tinulungan pa nga nya ako na gawin ang punishment ko. Napangiti nya rin ako sa kalokohan nya.

Kahit sarili ko ay hindi ko rin minsan maintindihan. Marahil ay nakahanap lang ako ng taong masasandalan na nakakaunawa sa nararamdaman ko that time, kaya nakaramdam ako ng gano'n.

Sabagay, wala akong kaibigang lalaki maliban sa mga kaclose kong pinsan sa father and mother side. Si Ella lang ang maituturing ko na best friend ko buong highschool life. Kahit noong elementary ako ay wala rin ako gaanong kaibigan. Mas gusto ko pang manatili sa kwarto buong araw kaysa makipaglaro sa ibang mga bata.

Lumaki akong hindi nakikihalubilo sa iba. Libro at computer lang ang palagi kong kaharap sa tuwing uuwi ako ng bahay galing sa school. Noong highschool lang yata ako nagkaroon ng chance na makipag-usap sa ibang tao.

Tahimik kasi ako, hindi lang halata. HAHAHAHA!

Pero nang makilala ko si Ella, nagclick agad kaming dalawa. Marami kasi kaming pagkakapareho. Kahit minsan nagbabangayan kaming dalawa pero pagkatapos nun wala na. Parang wala lang nangyari. Dahil doon mas tumatag ang friendship naming dalawa ni Ella.

Mabilis naman akong nakatulog that night. Hindi ko nga rin naisip pa ang nangyaring sagutan namin ni Glen kanina sa school eh.

Okay na rin iyon dahil kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko.

KINABUKASAN, maaga akong gumising. Kagabi bago ako nakatulog ay nakatanggap muna ako ng mensahe from Ella. Sasamahan ko raw sya sa Restaurant ng pinsan nyang si Kuya Mico. Birthday kasi ng anak nito next next day kaya pinapakuha lang ang invitations.

Ang tamad tamad kasi ng taong iyon, pagbigay lang ng invitations ay hindi pa magawa. Palibhasa busy sa negosyo kaya hindi na rin magawa ang ibang bagay.

10:00 am pa ang klase namin kaya mahaba pa ang time para maglakwatsa sa labas. Chos lang sa lakwatsa. HAHA!

7:30 am ako nakarating sa Beau Restau. Pumasok na ako dahil kilala na rin naman ako dito. Favorite Restau kasi ito nina Mom at Dad dahil sobrang sasarap ng putahe at dessert na available sa kanila. Sariling recipe ng asawa ni Kuya Mico ang ginagamit sa pagluluto kaya talagang homemade na homemade ang lasa ng kanilang siniserve na pagkain.

"Margaux, you're finally here!" Nakangiting salubong sa akin ni Ate Shane, Kuya Mico's lovely wife. Karga-karga nya ang bunso nilang anak na si Sharika.

"Hi Ate Shane!" Bati ko rin pabalik. "Magandang umaga munting binibini!" Pinanggigilan ko ang mataba at cute nitong pisnge na kinahagikhik naman ng bata.

"Cute cute mo talaga!" Kinuha ko kay Ate si Rika na mabilis namang nagpakarga sa akin. "Ang bigat mo na nagpapakarga ka pa kay Mommy?!" I kissed her cheeks. Cute na tumawa naman ito sa ginawa ko.

"Ang cute nyong dalawa. Kailan ka ba magkakaboyfriend Margaux?"

Sasagot na sana ako pero may iba nang sumagot para sa akin. Kararating lang nito at may hawak pa sa isang kamay na coffee mocha.

"Hay naku Ate! Manliligaw nga wala yan eh, boyfriend pa kaya?"

Inismiran ko sya. "Wow! Nahiya naman ako sayo, Ella. Parang may boyfriend ka ah."

"Meron kaya!"

"Oo, yung imaginary boyfriend mo."

Hinampas nya ako sa braso na nagpahagikhik sa karga-karga kong si Rika.

The Lovestory That We Never Had | COMPLETED | ✔︎Where stories live. Discover now