CHAPTER 201 : THE UNEXPECTED 2

2.9M 56.8K 171K
                                    

THE UNEXPECTED

RANDALL'S POV

"Honey?" nagising ako sa malambing na tinig ni Dein. "Hon, wake up. May duty ka pa."

Umikot ako sa kama bago nag-angat ng tingin. "What time is it?"

"Ten minutes before noon, sige na, kumilos ka na," nakangiting aniya."I'll prepare our lunch." Pinanood ko siyang bumaba sa kama at maglakad papunta sa pinto. "Kumilos ka na, Randall Echavez!"

"Bakit ang ganda mo ngayon, Mrs. Echavez?" nanliliit ang mga matang tanong ko.

Namaywang siya. "May oras na bang nakita mo 'kong pangit?" inis kunyari niyang tanong.

Ngumiwi ako. "No'ng buntis ka?"

"Randall!"

"I was just kidding, hon."

"Maligo ka na!"

"Wala ba akong breakfast in bed?"

"Tanghali na!"

"How about lunch in bed?"

"Napakapilyo mo! Ang aga-aga, ah!" natatawa niyang sabi.

"Isa lang," sabi ko na isinenyas pa ang hintuturo. "Isang masarap lang!"

"Randall?"

"What?" natatawa kong sabi.

"Ang landi-landi mo! Kumilos ka na diyan, ah?" napapailing niyang sabi 'tsaka tuluyang lumabas ng kwartong 'yon.

"Hon!"

"What?" pasigaw niyang tugon.

"Sige na! Dali! Habang nakaano pa siya!"

"Ano?"

"Please? Come here!"

Muli siyang dumungaw sa pinto. "No."

"Honey...isa lang. Habang tulog si RD."

"Gising si RD, kasama si yaya."

"Hindi naman 'yon pababayaan ni yaya, asikasuhin mo muna ako."

Natawa siya lalo. "Ang laki-laki mo na, aasikasuhin pa kita? No. Kumilos ka na diyan. Get ready or you will be late!" iniwan niya na naman ako.

Inis akong bumangon. Hindi man lang alisin ang pagod ko. Tsk. Agad akong naligo. Hindi mawala sa isip ko kung gaano ka-sexy si Dein ngayong umaga. Napakaikli ng shorts niya at hapit na hapit ang puting sando na suot. Hindi ko naiwasang mapangiti habang ibinababad ang sarili sa shower. Masyadong malamig ang tubig, siya lang ang makapagpapainit. Natawa ako sa sariling naisip.

"Honey!" malakas kong sigaw. "Honey!"

"Ano?" nagmamadali niyang sigaw. "Are you okay, hon?"

"Hon!"

"Oh?" dumungaw siya sa pinto ng washroom namin sa kwarto.

"Pakiabot 'yong towel ko."

"'Ayan ang mga bagong towel, ah?" itinuro niya 'yong mga nasa ibabaw ng cabinet.

"Isang beses ko palang nagamit 'yong isa," giit ko ko habang nakadungaw rin sa blurry glass door ng shower.

Inis siyang kumilos at nakasimangot nang iabot 'yon sa 'kin. Hindi niya na nagawang makapagsalita nang bigla ko siyang hilahin papasok sa shower.

"Got ya!" mahina kong sabi.

HE'S INTO HER Season 3 | COMPLETED |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon