CHAPTER 182

2.5M 56.7K 167K
                                    


SIN'S POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

SIN'S POV

"SA LOOB ng limang minuto ay lalabas ang Chairman ng mga Enrile," ani Christian pagkasakay niya sa kotse kung saan ako lulan. "Mukhang swerte tayo ngayon. Hindi sasabay sa uwian ng mga estudyante ang Chairman. Bukod doon ay sa harapan nakaparada ang kaniyang sasakyan at hindi sa likuran, bagay na parating nakapagpapahirap sa atin."

"Naisaayos mo ba ang bomba sa sasakyan nila?"

Ngumisi siya. "Nang walang kahirap-hirap."

"Siniguro mo bang walang ibang madadamay bukod sa Chairman?"

"Nasisiguro ko iyon, Sin."

"May tiwala ako sa 'yo." Nagtanguan kami. "Umaayon ang lahat sa plano, magaling."Tinanaw ko ang BIS.

Hindi kasinlakas, gaya nang kadalasan naming ginagamit, ang bombang nakakabit sa bandang likuran ng sasakyan, kung saan batid naming uupo ang Chairman. Sapat lamang iyon upang pausukin ang sasakyan at paputukin ang gulong nito. May mga tauhan kaming bihasa sa paggawa ng mga maliliit hanggang sa malalaking pampasabog. May iba't ibang klase pa ng usok.

Base sa plano ay warning lamang ang ibibigay namin sa Chairman. Ang inaasahan namin ay masasaktan siya, siya lamang at wala nang iba.

Pareho kaming nakasuot ng itim ni Christian, may balot ang mga mukha at tanging mata lamang ang kita. Gaya nang dati ay mga nakaitim kaming jacket, jeans at sapatos. Kasama kasi ang mga iyon sa aming plano. Kung noon ay naka-motor ako. Ngayon ay magkasama kami ni Christian sa sasakyan.

Asintado kasi ang mga lintik na iyon.

"Parating na siya," anunsiyo ni Christian na siyang nakapagpatinag sa 'kin.

Muli kong tinanaw ang main gate ng BIS. Nakita ko nga ang mga bantay nito sa suit na uniporme. Nangunguna ang mga bantay, pinaggigitnaan naman ng mga ito ang siyang Chairman. Malayo pa lamang ay natatanaw ko na kung gaanong kaistrikto ang kaniyang mukha, nakakasuya. Wala pa man siyang ginagawa ay kumukulo na ang aking dugo.

"Kung ako lamang ang masusunod ay pasasabugin ko na ang kaniyang bungo," wala sa sariling naiusal ko.

"Ngunit hindi tayo mga hayop, Sin, iyan ang ilagay mo sa iyong isip," nangangaral na ani Christian, hindi ko na siya pinakinggan.

Pinaglaro ko ang dalawang daliri sa aking bibig habang pinagmamasdan ang pagkilos ng mga ito. Isa sa bodyguards nito ang nagpaumunang lumapit sa kotse upang pagbuksan ang Chairman. Napangisi ako dahil umaakma ang nangyayari sa aking inaasahan at plinano. Kung ano-ano pa muna ang idinada ng Chairman bago ito tuluyang lumulan sa kotse.

HE'S INTO HER Season 3 | COMPLETED |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon