CHAPTER 190

2.3M 51.4K 69.3K
  • Dedicated kay Clau Yamamoto
                                    

MAX'S POV

"SA WAKAS, pasado tayong lahat!" ani Migz nang matapos ang klase. "Nahirapan ako!"

"Mm, nahirapan ang bakla," banat ni BJ na itinuro ang mukha nito. "Extra rice agad 'yan, 'te!"

"Tigilan mo 'ko, ah!" singhal ni Migz. Nagtawanan kami.

Sa daan papunta sa locker area ay nakasalubong namin si Maxrill. Gaya nang nakasanayan ay hinahabol ito ng mga kaklaseng babae at inaabutan ng pagkain.

"No nuggets, no love!" ani Maxrill. Natawa ako. Sa estado ng utak ng kapatid kong 'to, walang babaeng uubra.

Nakahalukipkip ko silang pinanood. "Girls! Girls!" Inawat ni Naih ang mga babaeng humahabol sa kapatid ko. "Tapos na ang klase, ha? Tigilan niyo na 'yan." Pumagitna siya sa mga ito at hinawi papunta sa kaniyang likuran si Maxrill. "Wala pa sa isip ni Maxrill ang love-love na 'yan, stop him."

"Eh, ate, gusto ko lang naman sanang ibigay sa kaniya 'to kasi alam kong mahilig siyang kumain."

"Ayaw kasi yata niya ng noodles ngayon, baka nagsawa na," pabulong na sinabi ni Naih, nahihiya para sa iniasal ni Maxrill.

Nalungkot ang pinakamagandang babae. "Galing pa naman 'tong South Korea, ipinabili ko kay daddy para sa kaniya," anito habang nakalabi at nakatingin sa hawak na Korean noodles.

"Oh, siya, siya, amin na at ako na ang magbibigay, ha?" naaawang ani Naih, na-excite ang mga estudyante. Napailing ako. "Oh, Maxrill, kunin mo na."

"No." Pinagkrus ni Maxrill ang mga braso.

Lakas ng karisma ni loko, isip-bata naman. Good luck, Naih. Tss.

Nag-iwas ng tingin si Maxrill nang ipilit 'yon ni Naih. "No. I don't eat noodles here in school."

"Eh, di sa bahay mo kainin? Ipaluto mo."

"No. I only eat here."

"Eh, di dito mo kainin?"

"No. No. No. No. No!"

"Grabe kaarte naman nito!" singhal ni Naih, sinimangutan siya ni Maxrill. "Oh, eh, di ipaluto mo sa bahay bukas at baunin mo dito tapos doon mo sa classroom kainin, king ina!"

Nanlaki ang mga mata ni Maxrill bago ngumuso. "Mr. Ciufan won't allow me."

"Pero nagdala ka nang isang buong cake at kinain 'yon kaninang afternoon break, right?" anang kaklaseng babae nito. "So pwede ka ring kumain ng noodles inside his class for sure. Hindi naman nakakatanggi si Sir Ciufan sa 'yo, Maxrill."

He did that? Seriously? Napailing ako. "Hey," baling ko sa kapatid, nginusuhan agad ako nito. "You have to come with me, sa mall tayo magdi-dinner sabi ni daddy. Bilisan mo nang kumilos para makauwi ka agad at matapos ang lahat ng assignments mo."

"I answered all the questions correctly, no assignments for Maxrill Won," tugon nitong imuwestra pa ang kamay sa pagtanggi.

Hindi ko na siya sinagot. Sinenyasan ko ang mga babaeng umalis na at tigilan ang kapatid ko. Ayaw ni Maxrill nang kinukulit siya, buong araw masisira ang mood niya. Pero kapag siya naman ang nangungulit ay talagang hindi tumitigil hangga't hindi nasasaktan o nasisigawan.

HE'S INTO HER Season 3 | COMPLETED |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon