CHAPTER 207

2.3M 54.2K 105K
                                    

CARGOSIN'S POV

OH, SHIT!

Gano'n na lang ang gulat ko nang hindi pa man kami tuluyang nakalalayo ni Christian sa lugar na 'yon ay natanaw na namin ang ilaw mula sa paparating na sasakyan. Nasisiguro kong pag-aari ng mga Moon iyon. At nakapatay man ang mga ilaw namin ay nasisiguro kong makikita rin kami ng mga ito.

Ngunit hindi ko malaman kung ano ang gagawin. Walang ibang daan bukod sa isang ito. Wala rin kaming pagkukublihan. Dahil bukod sa iisa lang ang sasakyang nakaparada, hindi malabong nakita na rin nila kami.

Nilingon ko si Christian, bumagal din ang pagtakbo niyang gaya ko. Nilingon niya ako. Pero parehong nakasuot ang mga helmet namin kaya hindi kami magkakakitaan. Tinanguan ko lang siya na agad niya ring sinagot.

Iyon na yata ang pinakamahabang daan na nadaanan ko. Pakiramdam ko ay noon lang ako dumaan sa lugar na delikado. Dahil kasalubong ko ang mga delubyo.

Ilang metro pa ang layo nang bilisan ko ang pagtakbo! Ngunit gano'n na lang uli ang gulat ko nang huminto ang nasa unahang sasakyan. At bago ko pa magawang makapag-isip ay lumabas na mula ro'n si Maxpein! Nanlaki ang mga mata ko nang bigla ay tumakbo siya at tumalon! Itinapak niya ang paa sa nakahimpil na sasakyan matapos no'n. At namalayan ko na lang ang paa niyang papasalubong sa mukha ko. At huli na para magawa ko pang umiwas.

Aksidente kong naikambyo papunta sa kaliwa ang manibela. Dahilan para dumausdos ako papatagilid. Sa takot ko ay dali-dali kong itinayo ang motor. Ngunit muli akong nagulat nang daklutin niya ako sa kwelyo. Sinalubong ko ang magkakasunod at malalakas niyang suntok! Nang hindi makontento ay sunod-sunod niya rin akong siniko! At ang paghuli ay pwersahan niyang iniyuko ang ulo ko sabay dagok sa aking likod! Pero hindi pa ro'n natapos iyon dahil nang umangat muli ang ulo ko ay sinalubong niya ang dibdib ko ng kaniyang tuhod.

Humangos ako, sobrang bilis ng aking paghinga at wala akong nagawa kundi ang nakayukong humarap sa kaniya. Hindi pa man nakababawi ang aking katawan mula sa babaeng nakaharap namin sa mansyon ay heto na naman. Nanghihina na ako at unti-unti nang nauubos ang natitira kong lakas. Ang kirot sa dibdib ko ay mas tumindi at mas pinatitindi pa ng kaba na aking nararamdaman.

Mierda! Ano ba ang meron sa kaniya at tila nalalaman niyang kami ito? Puñeta!

Narinig ko ang maingay na paglapit ni Christian, halos talunin niya ang motor para lang kami malapitan. Pero masyadong alisto si Maxpein, umatake agad ang mga kamay niya matapos lumapit ni Christian. Gaya kanina ay sunod-sunod at napakabilis ng kaniyang mga atake. Dahilan para hindi 'yon magawang sabayan ni Christian. Hindi halos magkandaugaga si Christian sa pagsangga sa mga suntok ni Maxpein. At nang muli nitong gamitin ang siko ay tinamaan nang matindi sa Christian sa ulo.

Hindi pa rin nakontento dahil bahagya niyang itinulak si Christian at saka bumuwelo! Huli na nang malaman nitong sisipain pala ni Maxpein ang dibdib niya gamit ang dalawang paa. Tumilapon si Christian at agad na bumawi at sumugod!

Habang nasa gano'ng sitwasyon ang dalawa ay itinayo kong muli ang motor at pinaandar 'yon. Hinintay kong makakuha ng magandang tyempo. Pinihit ko nang pinihit ang handle bar hanggang sa mag-init ang makina, at gumawa ng ingay at usok ang gulong sa likuran. Nang magawang hawakan ni Christian si Maxpein sa magkabilang braso at pilipitin iyon papunta sa kaniyang likuran ay bigla kong pinaandar ang motor papasugod sa kanila!

Ngunit gano'ng na lang uli ang gulat ko nang pwersahan niyang buhatin ang bigat ni Christian upang magkapalit sila ng pwesto. At huli na para makabawi ako dahil si Christian na ang nabangga ko!

"Ah!" tumilapong muli si Christian! Damn it! Gano'n na lang uli ang galit na naramdaman ko 'tsaka muling pinadausdos ang gulong at humarap kay Maxpein.

HE'S INTO HER Season 3 | COMPLETED |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon