CHAPTER 175

3.4M 69.3K 137K
                                    

DEIB'S POV

WALANG KASIMBILIS ang tibok ng puso ko. Hindi ko malaman kung ano ang ikinatatakot ko sa pagkikita naming muli ni Eerah Anitha. Kakaibang kaba ang idinudulot ng presensya niya sa 'kin. Nakakabalisa.

"Saan naman niya tayo nakita?" wala sa sariling tanong ni Lee. Nilingon ko siya. "Hindi ko matandaan ang mukha niya."

"Hindi rin siya pamilyar sa 'kin," ani Tob.

"Tsh. So she's intentionally following you, Deib Lohr?"

Napailing ako. "I really don't know, 'dre," pabuntong-hininga kong sagot. "I'm worried about Maxpein. Pinagseselosan niya ang babaeng 'yon. Inamin niya 'yon no'ng nasa Palawan tayo." Nasuntok ko ang pader. "Damn, I told her to stay away from me!"

"Calm down, Deib."

"How?" asik ko. "Baka siya pa ang maging dahilan para magalit lalo sa 'kin si Taguro."

"Don't do something that will make her mad, or jealous."

"Of course, that's an easy thing for me to do," itinuro ko pa ang bibig ni Lee. "But what about that bitch? Ang lakas ng loob niyang rumampa sa harap ko," umiling ako nang umiling. "She's kissed me."

"What?" hindi makapaniwalang singhal ni Tob.

Napahilamos ako kasabay ng pagbuntong-hininga. " That girl is an evil, 'dre. Kahapon lang ay nagulat pa siyang makita ako, tapos ngayon ay enrolled na siya? What the hell? May asawa na siya, dumidikit pa sa 'kin? All my life, 'dre, ngayon lang ako natakot sa babaeng may gusto sa 'kin. Shit!"

"She's what?" sabay nilang tanong.

"You heared me right, she's married. That's what she told me when we were in Palawan. Why the hell is she following me, then? Is she tripping me?"

"Then she's behaving in an irrational way." Umiling din si Tob. "There's a strong possibility that she likes you, and she's doing this intentionally. But kissing you is way too much, 'dre. Kailangan niyang makilala ang girlfriend mo."

"Alam ba ni Max ang tungkol d'yan?" seryosong tanong ni Lee.

Tumango ako. "Sinabi sa kaniya lahat."

"Good. Sa ngayon ay wala kang magagawa kung hindi ang iwasan ang babaeng 'yon."

"I have to find the best way to get rid of her. Tch. Kung kailan naman nag-e-enjoy ako sa ginagawa ko!" asik ko. Pinagsisipa ko ang semento habang nagmumura.

"Deib, calm down, 'yong puso mo," seryosong awat ni Tob.

Kumalma ako ngunit nananatiling nakabusangot. Naba-badtrip talaga ako. At sa sandaling iyon palang ay nag-iisip na ako ng posibleng dahilan para mapatalsik ko ang babaeng 'yon.

"I really have to go. Major 'yong next subject." Tinapik kami ni Tob sa balikat.

"Let's talk about this later," nagpaalam na rin si Lee.

"I'll call you. Thanks," kaway ko.

Kunot-noo kong tinanaw ang hallway na nilakaran ni Eerah Anitha. Kakaibang kaba ang idinudulot niya sa sistema ko. At kahit pa alam ni Taguro ang lahat, pakiramdam ko ay nagkakasala ako.

Badtrip! "Kailangang malaman ni Taguro 'to mamaya," napapabuntong-hiningang bulong ko saka tumuloy sa classroom.

Agad naupo sa sariling armchair at nangalumbaba. Pakiramdam ko ay may kung anong nakabara sa utak at lalamunan ko. Gusto kong mahiga at matulog para sandaling makalimot sa kung anong nangyayari ngayon.

HE'S INTO HER Season 3 | COMPLETED |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon