CHAPTER 210 : THE SUFFERING

2.5M 54.7K 147K
                                    

CHAPTER 210

LOVEMIR'S POV

Sa isang kilalang mall sa Manila gaganapin ang premiere night ng movie. Hindi ko inaasahang iimbitahan ako ng producer at director at wala akong nagawa para tumanggi dahil ibinigay na nila sa akin ang dalawang ticket.

Hindi ko inaasahang ganoon kalakas ang pelikula, sa labas pa lang kasi ng mall ay napakarami nang tao. May red carpet sa gitna at may barricades naman sa magkabilang gilid niyon papunta sa entrance. Nagkalat ang media, ang ilan pa nga sa mga iyon ay itinutok sa 'kin ang lente ng mga camera nila nang bumaba ako ng sasakyan. Nahinto lang sila nang umiwas ako sa bungad ng red carpet, at sa halip ay tumayo ako sa bandang likuran nila. Doon sa pwesto kung saan dumaraan ang mga paparating na sasakyan.

Nasa ganoon naman akong sitwasyon nang huminto ang isang puti na limousine sa harap ko. Napabuntong-hininga pa ako dahil ang pinto ay nasa mismong harapan ko. Tumabi ako at bago ko pa magawang mag-iwas ng tingin ay lumabas na roon si Deib Lohr. Nagtama ang paningin namin pero siya rin ang naunang nag-iwas. Lumabas ang driver at binuksan ang pintong kanina ay nasa harapan ko, mula roon ay lumabas naman ang artistang babae.

Agad na nagpitikan ang liwanag sa gawi namin. Kaliwa't kanan ang mga flash ng camera. Ang mga bouncer at guard ay agad na umalalay upang harangan ang kinaroroonan namin.

Nakangiti na ang artista nang mag-angat ng tingin sa akin. Pinagmasdan niya ang kabuuan ko 'tsaka inilahad ang kamay. "I'm sorry we didn't had the chance to meet earlier, I'm Kimeniah Sirvey Gozon." Mas pinangibabaw ng suot na pulang dress ang kaniyang ganda. Lantad ang kaniyang likuran bagaman bahagya iyong natatakpan ng nakaladlad niya na mahabang buhok. Tumangkad din siyang tingnan dahil sa mataas na sapatos. Ang palamuti niya sa katawan ay nakadaragdag sa kinang niya.

"Lovemir Limaco," kaswal kong tugon. Agad na naagaw ni Deib Lohr ang atensyon ko, na noon ay naglalakad na papalapit sa akin.

"Would you mind if I ask why you are still here? Pwede nang pumasok," ani Kimeniah na itinuro pa ang entrance.

Nilingon ko siya. "I'm waiting for my date."

"Date? I see..."

"I'm waiting for Maxpein," pormal kong sabi 'tsaka ko nilingon si Deib Lohr na ngayon ay medyo may kasamaan na ang tingin sa akin. "She will be my date tonight."

"Do as you please," tugon ni Deib Lohr. "I won't mind."

"It's not like I'm asking for your permission though." Ngumiti ako sa huli.

Tumikhim si Deib Lohr at mas sumama ang tingin sa akin. Magsasalita na sana siya nang mag-ingay ang paparating na motor, sinadyang ipahayag ang presensya niya.

Sabay-sabay kaming napalingon nang humimpil ang pamilyar na motor sa tagiliran namin. Napaismid ako sabay iling nang magawa ni Maxpein na iparke ang motor niya nang isang likuan lang. Hinubad niya ang helmet at saka isinabit iyon. Inayos niya pa ang kaniyang buhok bago humarap sa amin.

"Hinde naman siguro ako late?" mayabang pang aniya 'tsaka lumapit sa amin.

Pare-pareho kaming napatingin sa kabuuan niya. Nakasuot siya ng black leather jacket, white blouse, khaki pants at high cut boots. Nakaladlad lang ang buhok niya at bagaman walang make-up ay pinagmukha siyang maayos nang mamula-mula niyang pisngi at labi.

"Pasensya na, hinde ko kase napaghandaan ang gabing 'to kaya ganito ang itsura ko," dagdag niya nang mapansing nakatingin ang lahat sa suot niya. "Pwede naman akong umuwe kung hinde pwede ang gantong itsura dito--"

"No, no," tanggi ni Kim. "Hindi talaga nawawala ang kaastigan mo, na-amaze lang ako."

"Tss. Parang ikaw, sa malayo palang maganda na," ngumisi si Maxpein at saka nilingon ang nobyo.

HE'S INTO HER Season 3 | COMPLETED |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon