CHAPTER 178 : ACQUAINTANCE PARTY

2.9M 63.8K 123K
                                    

MAX'S POV

HINDI ko maintindihan kung bakit magkasama sina Sensui at Eerah Anitha. At kahit anong ngiti ko ay alam kong naiinis ako.

Nahirapan na akong ituon sa pagsasayaw ang atensyon nang dahil do'n. Salamat na lang at patapos na rin iyon.

Talon dito, galaw d'yan. Para-paraan upang mapahanga ang mga matang nakatuon sa 'min. Hindi naman kami nabigo. Kumikinang sa paghanga ang mga mata ng nanonood.

Sabay-sabay kaming huminto sa gitna, bahagyang nakatagilid at pantay ang pagkakatayo. Nagpalakpakan ang audience. Ang iba ay tumayo pa at sumuntok sa ere sa sobrang paghanga.

Ang dance number na iyon ay nasundan pa ng dalawa bago kami tuluyang huminto at palakpakan nang bongga.

Sigaw rito at sigaw riyan ang natanggap namin. Standing ovation para sa simpleng panimula ng party na ito. Nagawa na naming umalis sa pwesto pero patuloy pa rin sa pagpalakpak ang mga tao.

Naghawak-hawak kami ng mga kamay at sabay sabay na tumango sa mga manonood sa kaliwa, kanan at pinakahuli ay sa gitna.

Muling umakyat si Migz sa stage, kumikislap ang mga mata sa bilib at paghanga. Ginawaran ko siya ng tipid na ngiti.

"A round of applause for the BIS dance troupe!" pumapalakpak na gumitna sa entablado si Migz. "Are you ready to meet the newest member of their troupe?"

Naghiyawan ang mga babae at ilan sa mga lalaki. Ang halos lahat ng paningin ay natuon kay Lovemir na noon ay marahan nang nagtatago sa likuran ko.

Ngunit kahit anong tago niya, madali siyang makita dahil mas matangkad siya kompara sa karamihan ng mga naro'n. Mabilis din siyang nakita ni Migz.

"Please come here in front and introduce yourself to everyone, Mr. Limaco," anyaya ni Migz. Wala pa man ay nagtilian na ang mga babae at bakla.

Kataka-takang nilingon pa muna ako ni Lovemir bago lumapit dito. Sa halip na pansinin iyon ay palihim ko nalang na sinulyapan si Sensui. Napangiwi ako sa sama ng pagkakatitig niya sa akin.

Inano ko na naman kaya ang isang 'to? Tss.

"Hello, good evening" Hindi maipagpatuloy ni Lovemir ang sinasabi dahil sa nakabibinging tilian.

"Magsikalma kayo, hindi available ang ambulansya rito," biro ni Migz. Ngunit hindi gano'n kadaling pakalmahin ang mga estudyante. "Students, pagsalitain ang baguhan at baka talikuran kayo niyan. 'Wag masyadong lumandi, bawas poise kapag nahulugan ka ng panty!" banta niya, natawa ang lahat.

"My name is Lovemir Limaco. I'm a senior student and the newest member of the BIS dance troupe." Mas nangibabaw pa ang tilian matapos niyang magsalita. Animong may sikat na sikat na artista sa aming harapan.

"Oh, yes, 'no? Yes! Gwapo nga si Lovemir at nakikita ng karamihan 'yan. 'Wag nang ipagsigawan, naiilang tuloy siya. Anyway, again, welcome to BIS, Lovemir," ani Migz na nakipagtanguan pa rito tsaka muling humarap sa audience. "Naipakilala ko na ang special guests at sumayaw na rin ang BISDT. Now, handa na ba kayong pagliyabin ang dance floor?"

"Yes!" sabay-sabay na sigaw ng mga estudyante.

"Then grab your partners and bring them to the dance floor!" hudyat ni Migz. Awtomatikong nagsipagtayuan ang karamihan upang simulan ang sayawan.

HE'S INTO HER Season 3 | COMPLETED |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon