CHAPTER 194

2.2M 49.8K 35.8K
                                    

MAX'S POV

Ang magandang sandali namin ni Sensui ay nabasag nang tumunog ang cellphone ko. "Sandali lang."Pinanood niya akong sagutin 'yon. "Hello?"

"Maxpein," tinig ni Heurt. "Are you busy?"

Ngumiti ako. "Nasa party ako ni Deib Lohr."

"Nandito ako sa TB at sa tingin ko ay kailangan mong pumunta rito."

Napatitig ako kay Sensui. "Excuse me,"nagmamadali kong sinabi 'tsaka lumayo. "Bakit?"

"Pumunta ka na lang kung pwede. Marami kasing customers," aniya 'tsaka ibinaba ang linya.

Napabuntong-hininga ako at napaisip. Bakit biglaan naman? Muli akong lumapit kay Sensui. "Si Heurt."

"Bakit daw?"

"Pinapupunta niya ako sa TB."

"Anong oras na, ah?"

"Hindi niya sinabi kung bakit pero sa tingin ko ay kailangan kong pumunta."

"Gusto mo bang samahan kita, babe?"

"Hindi na. May mga bisita ka pa," ininguso ko ang mga naro'n pa. "Susubukan ko na lang bumalik kung kaya pa."

"Makakabalik ka pa?"

"Susubukan ko."

He sighed. "Mag-ingat ka, ah?"

"Oo naman." Matamis akong ngumiti.

Nagpaalam ako kina Yaz. Pinakiusapan ko si Lee na ihatid sila sa mansyon. Nakanguso si Sensui ako sa labas. Dinig ko ang buntong-hininga niya nang makasakay.

"Akala ko ay makakasama pa kita nang matagal, babe," nanlulumo niyang sinabi. "Kung saan-saan ka na naman pumupunta."

"Babe, naiintindihan mo naman, 'di ba?" nakangiti kong tugon.

"'Yon na lang naman ang magagawa ko, 'di ba?"

"'Wag ka nang malungkot."

"Hindi naman. Ayos lang. Umasa lang akong makakasama pa kita nang matagal."

"Magkakasama pa naman tayo. Kasama mo 'ko ro'n sa regalo sa 'yo, 'di ba?" nakangisi kong tanong. Ngumiti siya at tumango. "'Wag kang mag-alala. Maraming tao nang nakapasok sa isip ko pero iisa lang ang nagkasya sa puso ko."

"Wow. Tch." Sabay kaming natawa. "Matutulog tayo nang tabi ro'n, ah?"

Napangiwi ako. "Ayoko."

Nanlaki ang butas ng ilong niya, napanganga. Saka kunot-noong ngumuso. "Bakit na naman, Taguro? "

"Minamanyak mo 'ko, eh."

"'Yang hitsura mong 'yan, kamanyak-manyak ba? 'Tong hitsurang 'to, manyakis para sa 'yo? Nasaan ang taste mo, Taguro? Hindi ka patas."

"Woi. 'Yong ginawa mo nga lang kanina ay labag sa limitasyon ng pagkatao ko."

"Eh, bakit hindi ka pumalag? Kasi gusto mo rin. Dahil mahal mo 'ko."

HE'S INTO HER Season 3 | COMPLETED |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon