CHAPTER 226 : THE TRUTH 1

3.2M 64.2K 178K
                                    


CHAPTER 226 : THE TRUTH

DEIB'S POV

"BABE..."

Wala akong nagawa kundi ang sabihin lang ang salitang iyon. Para akong baldado na pinanood lang ang dahan-dahang pagbagsak nang tuluyan ni Taguro. Nanlalaki ang mga mata niya habang hawak ang pana na 'yon na tumama sa kaniya.

"Andwae!" nang walang ano-ano ay sigaw ni Heurt!

Hindi ko lubos na naunawaan kung ano ang tinangka niyang pigilan, hindi ko maintindihan. Pero ang paraan niya nang pagkakasigaw ay gano'n. Nagmamadali! Nagagalit! Nakikiusap...

Bigla ay tumindi ang tensyon sa buong paligid. Naalerto na lang ako sa biglang pagkilos ni Taguro! At gano'n na lang ang pagkabigla ko nang magawa pang itayo ni Taguro ang sarili, hindi ko na inaasahan iyon. At ang mas nakakagulat pa ro'n ay nahuli niya sa sariling kamay ang isa pang pana na siya ang puntirya bago pa iyon tumama sa kaniya! Pana na hindi ko alam kung saan na naman nagmula. Pana na hindi ko na naman inaasahang tatama.

Nanginginig ang kamay ni Taguro at tutok na tutok ang paningin sa pana, na para bang magagawa pa niyong kumawala kahit hawak niya na. Hindi na maipaliwanag ang hitsura ng taong mahal ko. Ang pinaghalong pawis, dumi at dugo sa kabuuan niya ay binabago ang pagkakakilala ko sa kaniya.

"Maxpein..." Iyon na lang yata ang kaya kong gawin, ang tawagin siya nang tawagin.

Tumingin sa 'kin si Taguro, iyon na ang pinakamasakit na paraan niya nang pagkakatitig sa 'kin. Iyong tingin na para bang ipinagbabawal sa buong mundo na masaktan ako. Iyong paraan anng pagkakatitig na para bang kailangan niyang masigurong ayos lang ako. Bigla ay gusto kong hilinging masalin na lang sa 'kin ang sakit na pinagdaraanan niya.

Ang napanood ko na 'yon ay bago na naman sa maraming kilos na kayang gawin ni Taguro. Gusto kong malaman kung paano niya nalamang may paparating na panang tatama sa kaniya. Gusto kong usisain kung paano niya iyong napakiramdaman. Gusto kong sabihin niya sa 'kin kung paano niya pa nagawang itayo ang sarili niya sa kabila ng sugatan niya nang katawan. Napakarami niya nang naipakita sa 'kin at parati niya akong pinapahanga. Umusbong sa 'kin ang matinding paghanga. Humahanap ako ng dahilan sa kakaibang lakas at tapang niya. Sobra akong bumibilib na kay Taguro ko 'yon nakita. Napakasarap sa pakiramdam na ganito ang taglay niyang abilidad. At ang mga katangian niyang iyon ang kaibahan niya sa lahat.

Bigla ay bumagsak na lang si Taguro! Ang kalabog na idinulot nang pagkakabagsak niya ay naging sinlakas ng kalabog ng dibdib ko sa aking pandinig. "Taguro..." Gusto kong isigaw ang pagtawag sa kaniya.

Umubo siya nang umubo, may dugo nang tumatalsik mula sa bibig niya. Hindi na maipaliwanag ang kakaibang panlalaki ng mga mata. Maging ang kilos ng katawan niya ay estranghero na. Halatang naliliyo na siya sa hindi makitang dahilan. Mukhang nawawala na rin siya sa reyalidad. Sa sandaling 'yon pakiramdam ko ay naramdaman niya nang todo ang sakit at pagod na unti-unting tumatalo sa kaniya.

"Babe..." Nagsisimula na akong mag-alala sa posibleng mangyari sa kaniya. "Babe, babe..." Pilit kong inaabot ang kamay niya.

Dahan-dahang lumingon sa 'kin si Taguro. Hindi niya na magawang ituon nang maayos sa 'kin ang paningin. Hindi ko kayang pangalanan ang hitsura niya.

"Babe..." Wala na akong maibuhos pang emosyon. Lahat ay naipakita at nailabas ko na, at hindi ko na iyon gustong itago pa. Napakasakit niyang tingnan.

"Deib..." Nakita kong mangunot ang noo niya pero ang kasunod na emosyon niya ay nakakabutas ng puso. Sobrang sakit niyang panooring nahihirapan. At masakit sa parte kong wala pa rin akong magawa.

HE'S INTO HER Season 3 | COMPLETED |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon