CHAPTER 01

1.2K 29 0
                                    

╔══ஓ๑♡๑ஓ══╗
Kabanata 01.
╚══ஓ๑♡๑ஓ══╝

Samantha's Point of View

"Left, right, slash, and then boom!" Paulit-ulit kong wika habang iwinawasiwas ang espada na hawak ko.

Pang ilang ulit ko na 'to ngunit hindi ko pa rin makuha ang tamang timing. Nakaka-inis na!

"Ate!" napalingon ako nang tawagin ako ni Alex.

"Bakit?" tanong ko sa kaniya.

"Kumain ka na raw sabi ni ma'am Aurora," aniya.

"Mamaya na. Hindi pa naman ako gutom." Pagmamatigas ko sa kaniya.

Mariin siyang umiling sa 'kin. "Pagagalitan po ako mahal na diwata." Magalang na niyang wika.

Pinandilatan ko siya mg mata nang dahil sa sinabi niya. "Ayan ka na naman Alex," suway ko sa kaniya.

Isa't kalahating linggo na ang nakakaraan simula no'ng malaman ng lahat na ako ang prinsesa o ang diwata sa sinaunang panahon. At isa't kalahating linggo na rin akong nag-eensayo para sa nalalapit na labanan ng hari ng kadiliman at ng kaniyang anak. Isama na natin si Ziphora na anytime baka susulpot na naman uli para kunin ang kwentas sa 'kin.

Hanggang ngayon ay pala-isipan pa rin sa 'min ang pagkawala ni Josh. Naalala ko pa na kakaiba ang ginamit na kapangyarihan sa kaniya dahil sa nakakasuka nitong itsura na hindi rin nakayanan ng aking sikmura noon.

"Tara na ate," ani niya pa.

Naghintay pa siya sa 'kin sa pintuan ng training room. Mabilis kong ibinalik ang espada sa kinalalagyan nito.


"Oo na!" Inis kong turan sa kaniya na tinawanan lang niya

Magkasabay kaming lumabas at naglakad sa hallway ni Alex. Lahat ng nadadaanan namin na mga estudyante ay binibigyan kami ng daan ngunit hindi naman sila nagbo-bow sa 'kin kasi sinabi ko sa lahat na ayaw ko na makita sila na tinatrato nila akong maharlika kapag nasa loob kami ng Enchanted Academy.

Ang gusto ko ay 'yung patas ang pakikisalamuha sa 'kin ng lahat katulad ng isang normal na estudyante. Ngunit pagbaliktarin man ang mundo ay hindi naman talaga kami normal.

"Asan ba sila?" munting tanong ko kay Alex.

"Nasa 6th floor ng building," namilog ang mata ko sa sinabi niya. Na naman?

"Ayoko na do'n," reklamo ko sa kaniya. "Hindi naman ako sanay sa mga ganoong pagkain." Dugtong ko pa.

"Aba! Hindi pwede ate. Pagagalitan ako niyan." Sinamaan ko siya ng tingin dahil sa kaniyang sinabi.

"Sa'n ka mas takot? Sa 'kin o sa kanila?" usal ko sa kaniya. Kaagad naman siyang umiwas nang tingin.

"Wag mo naman akong pahirapan ate. Sumusunod lang naman ako sa utos nila e!" this time he said it seriously kaya medyo na konsensya ako sa ginawa ko sa kaniya.

"Sa susunod sabihin mo na ako nang bahala sa sarili ko. Hayaan naman nila akong kumain sa kung saan ko gusto," ani ko sa kaniya.

Enchanted Academy: War Between Love And Justice✓Where stories live. Discover now