Chapter 33

346 17 3
                                    

•••THIRTY-THREE•••



Julianne's POV

"Are you okay?" napalingon ako sa taong bigla na lamang na tumabi sa 'kin tsaka inabutan ako ng inumin. Tumango naman ako sa kaniya bago ko binuksan ang ibinigay niya.

"Hindi ka ba nasaktan?" malumanay lang ang mga tanong niya sa 'kin pero tanging tango lang rin ang naigawad ko sa kaniya saka ininom ang ibinigay niya sa 'kin.

"You're not talking again Anne!" muntik na akong mabulunan nang tumaas ang boses niya kaya naman ay hinarap ko na siya.

"I'm okay. Kanina ka pa nagtatanong sa 'kin ng ganiyan." mahinahon ko lang din na sagot kay Lucas..

"Do you want to go to your parents? Sasamahan kita kung gusto mo." aniya na ikinahinto ko sa pag-inom.

Saglit akong napa-isip sa kaniyang sinabi. Napabuntong hininga ako bago ko siya sinagot.

"Wag na. Nakausap ko na sila kanina through telepathy. Atsaka hindi muna ako aalis dito hanggat hindi ko nakikitang nakabalik na si Sam." paliwanag ko sa kaniya.

"Samantha..." bulalas niya na narinig ko naman. Nakita ko pa na nakahawak siya ngayon sa kaniyang diibdib na medyo ikinataka ko pero saglit lang naman ito.

"Don't worry on her. She's stronger than you think she is." dugtong niya habang ngumingiti ng bahagya sa 'kin as if he's telling me that everything's gonna be alright.

Alam kong nag-aalala rin siya sa lahat ng mga nasugatan at nasaktan. Alam kong natatakot din siya sa mga posibleng mangyari katulad ko, katulad naming lahat.

Wala ring saysay kong magpapahinga kami ngayon at mag-aksaya ng oras sapagkat hindi namin alam kung kailan babalik ang mga kalaban namin.

Mag-uumaga na pero hindi pa rin ako inaantok ng dahil siguro sa mga nangyayari o sadyang hindi lang talaga ako mapakali kakaisip kung okay lang ba si Sam doon o kung buhay pa ba siya o wala na.

"Ikaw, baka may masakit sa 'yo. Sabihin mo lang din sa 'kin at gagamutin kita." aniko sa kaniya.

"Ito." turo niya sa kaniyang labi na may kaunting pasa lang naman. Nginuso niya pa iyon sa 'kin na para bang nagbibiro siya.

"Huh?" lito kong tanong sa kaniya.

"Ito nga... gamotin mo na dali." aniya na siyang ikinalito ko. Para kasing may iba siyang ipinapahiwatig eh. Pero wala na iyong kaso sa 'kin kasi boyfriend ko na siya e.

Lumapit ako sa kaniya upang halikan sana ang labi niya. Ilang pulgada na lang talaga ito ng bigla na lang yumanig ang paligid kaya naudlot ang paghahalikan naming dalawa.

"Ugh! Such a bad timing." narinig ko ang sinabi niya kaya lihim naman akong napahagikhik saka sumeryoso na kaagad at pinakiramdaman ang kapaligiran kung bakit nga ba ito yumanig.

Nagkagulo na naman uli ang mga kawal sa loob katulad kanina no'ng nahimatay bigla ang princess Thea. Yes, nahimatay siya kasunod lang no'ng mahimatay si Sophia kanina.

Base sa narinig kong impormasyon ay nasugatan ata siya ng malaki no'ng pinatilapon siya no'ng mas bata pa sa 'min na si Zara.

Pareho kaming nagkatinginan ni Lucas saka magkasabay na lumabas sa loob ng palasyo dahil gano'n rin ang ginawa ng nakakarami.

Nagkasalubong pa kami nina Scarlet at Mr. Pres tsaka sila Yumi, Liam, Alex. Pagkalabas ko ay umawang ang labi ko sa aking nakita at tila naluluha na rin ako sa aking nasaksihan.

"I-Imposible." ani ko sa nanginginig na boses.

"Bakit Julia? Kilala mo ba ang nilalang na 'yan?" ani yumi sa 'kin.

Enchanted Academy: War Between Love And Justice✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon