𝙲𝚑𝚊𝚙𝚝𝚎𝚛 13

395 21 1
                                    

•••𝚃𝙷𝙸𝚁𝚃𝙴𝙴𝙽•••

𝚂𝚊𝚖𝚊𝚗𝚝𝚑𝚊'𝚜 𝙿𝙾𝚅

Sinimulan na nga namin ang plano namin. Kahit na naninibago ako kay Grey kasi hindi naman siya ganito kapag nakikita niya ako. He  didn't inspect me if I am okay kanina.

Well guess, siguro ay mas nag-aalala siya sa kaniyang mga kapatid at kasamahan. Sino ba naman kasi ako para sa kaniya e pangalawa lang naman ako pagdating na sa pamilya at kaibigan niya.

Nang mapansin ko na hindi nakatingin sa 'kin ang halimaw ay mabilis akong tumakbo sa likuran niya at walang pagaalinlangang tumalon sa kaniyang likuran upang kuhanin ang espada ko na nakabaon sa kaniyang buntot.

Naagaw ang kaniyang atensyon kaya gumiwang-giwang ang kaniyang buntot at nahirapan ako nang dahil sa kaniyang ginagawa. Kaya ang ginawa ko ay gumawa ako ng sandata na gamit sa bato at iyon ang ginawa kong pangkapit sa kaniya para hindi ako mahulog. Gamit ang aking buong lakas ay nagtagumpay akong kunin ang sandata tsaka naman ako tumilapon dahil sa lakas ng impact ng kaniyang buntot sa 'kin.

Nakangiti akong hinawakan ang aking sandata habang tumatayo. Naagaw naman ng atensyon ko kay supremo. Patakbo ko siyang nilapitan para sana tulungan ngunit kaagad akong napahinto sa aking nakita.

Lubos akong nagulat doon dahilan kung bakit namilog ang aking mga mata. Hindi nag-sink in sa 'kin ang mga nangyari at mukhang nabingi ako nang dahil doon.

Nagpa-ulit-ulit iyon sa aking isipan. Kinain lang naman niya si supremo na dahil sa pagkakabigla ko ay hindi ko na nagawang pigilan pa. Nanlumo ako ng dahil doon.

Ito ba? Ganito ba ang isang diwata? Anong klaseng diwata ba ako kung gano'n? Isang walang kwenta! Kinuha kaagad nila ng gano'n-gano'n lang ang mga taong minsan ng naging parte sa aking buhay.

Hindi ko pala kaya. Hindi ko pala kayang maging prinsesa sa lahat. P-paano na ngayon, w-wala na si Supremo. Hindi ko namalayan na nag-uunahan na pala ang aking mga luha sa pagbagsak. May nawala na naman ng dahil sa 'kin. Palagi na lang ba?

”G-grey… hindi pwedeng pati ikaw mawala. H-hindi ako papayag.” tinapon ko ang aking hawak na espada.

Susubukan ko… Susubukan ko kung totoo ba talaga ang kapangyarihan ng kwentas na ito. Marahas kong tinanggal ang kwentas sa aking leeg. Mahigpit ko iyong hinawakan at masama kong tiningnan ang hayop na kaharap ko ngayon.

Habang papunta ako sa kaniya ay walang tigil ko siyang pinapatamaan ng aking mga kapangyarihan.

”Ilabas mo siya. Ilabas mo siya.” Paulit-ulit kong wika sa kaniya sa bawat atake ko.
Tumalon ako sa kaniya habang iniisip na magiging sandata ang kwentas na hawak ko ngunit nadismaya ako ng hindi ito naging gano'n.

Tumilapon na naman ako ng matamaan ako ng kaniyang buntot. Bwisit na malaking ahas na 'to. Naiyak na naman ako nang dahil sa inis. Tumayo akong nanghihina mula sa pagkakahiga sa lupa, wala sa bokabularyo ko ang sumuko, pero sa sitwasyong ito ay gusto ko na lamang mamatay.

Hindi ko kaya ang maging prins--

'Tumayo ka diyan! Walang diwatang mahina! Ikaw ang pinakamalakas na diwata sa buong diwata na nabubuhay noon. Kaya tumayo ka diyan at ipakita ang tunay mong lakas.' hinanap ko kaagad ang boses na aking narinig.

Pamilyar ang boses na iyon sa 'kin subalit hindi ko mawari kung sino ito at kung saan ko narinig ang kaniyang boses. Napansin ko ang pag-ilaw ng kwentas na nabitawan ko.

Tinitigan ko lang iyon habang papalapit na sa 'kin ang dambuhalang ahas na halimaw. Napalunok ako ng ilang beses sa sitwasyon ko ngayon habang patuloy pa rin na umaagos ang aking mga luha.

Enchanted Academy: War Between Love And Justice✓Where stories live. Discover now