𝙲𝚑𝚊𝚙𝚝𝚎𝚛 10

456 22 0
                                    

•••𝚃𝙴𝙽•••

𝚂𝚊𝚖𝚊𝚗𝚝𝚑𝚊'𝚜 𝙿𝙾𝚅

Matapos ang pangyayari ay nandito na kami ngayon sa HQ  o headquarters ng Councils. Nandito rin ang lahat ng board members ng paaralan maski na ang lahat ng magtuturo sa paaralang ito.

Naka-upo lang ako habang hinihilot ang sintido ko. Iniisip ko pa rin kung anong nangyari kanina. Basta ang natandaan ko lang ay nawalan ako ng malay nang sinakal ako ni Yumi. Ang kasunod no'n ay wala na. Natagpuan ko na lang ang sarili ko na nakaupo sa lupa habang hinahawakan ako nila Liam at Lucas para tumayo.

At ang mas nakakalito pa ay nakita ko si Grey sa vision ko na may kasama na, ewan ko kung babae ba 'yun o lalake basta nakatalikod siya kaya hindi ko nakita ang mukha niya at buhok niya kasi naka hoodie rin ito.

”Paumanhin mahal na diwata sa biglaang pangyayaring---” 

”No need… just, find Mr. President.” pagpuputol ko sa dapat sanang sasabihin ni sir Boress habang hinihimas pa rin ang sintido ko kasi masakit pa rin ito.

”Nasa'n si Ma'am Aurora?” dugtong kong tanong sa kanila. Nakita ko na tumahimik silang lahat. Kaya napaangat ako nang tingin sa kanila ng nakakunot ang noo.

”S-she's also g-go---”

”What?” napatayo ako dahil sa sinabi ni Sir Boress at lahat naman sila ay napaatras ng bahagya maliban sa mga kakilala ko na sina Julia at sa lahat ng nakakasalamuha ko sa paaralan.

”Hija, huminahon ka muna.” napabaling ako sa aking likod nang may pumasok doon na isang babae na hindi naman katandaan.

Kasama niya sina Marco at Althea na nakasalubong pa ang kilay. Nang magtama ang paningin namin ni Thea ay kaagad niya akong inirapan.

”I assure you na ligtas lang sila. But your face  looks familiar to me. Nagkita na ba tayo dati?” nainis ako sa sinabi niya.

”No they're not. Hindi ho ako tanga!” mahinahon ngunit may diin kong sagot sa kaniya. Hindi ko na inisip pa ang mga sinabi niya sa 'kin kasi wala naman akong interes doon.

”Then maybe you are now.”  pumasok naman ang isa pang babae na hindi ko kilala.

”Amelia! Very rude.” ang sabi ni principal Gil.

”Mom,” ani naman ni Alex na kanina ay tahimik lang sa gilid.

”My niece is just wander---” ngunit tila natigil lahat nang nagdabog ako at lahat sila ay napatayo sa kanilang inuupuan dahil sa lakas ng pwersa na kumawala sa 'kin na hindi ko sinasadya.

Naramdaman ko na naman ang kakaibang init sa aking katawan na nagmumula sa 'kin kailaliman. Ewan ko pero umiinit ang ulo ko ngayon.

”Samantha!” mapagbantang tawag sa 'kin ni Sun. Nang tumingin ako sa kaniya ay umiiling siya sa 'kin.

”Your highness! Nakita ko na sila.” lahat kami ay napabaling kay Kristoff na ngayon ay nakapikit na nakahawak ang dalawang daliri sa kaniyang noo malapit sa kaniyang mga mata.

”See, I told you okay lang---”

”I guess they're n-not…” sagot ni Kristoff kahit hindi pa natatapos ang sinasabi ng matandang babae.

”Bet you're too weak to be a goddess! You can't even locate someone. A true godd---”

”Althea, Please!” sabi ni Marco sa kaniyang kapatid na si Thea.

Enchanted Academy: War Between Love And Justice✓Where stories live. Discover now