Chapter 25

380 20 4
                                    

•••𝚃𝚆𝙴𝙽𝚃𝚈-𝙵𝙸𝚅𝙴•••




𝚂𝚊𝚖𝚊𝚗𝚝𝚑𝚊'𝚜 𝙿𝙾𝚅

"Samantha!" patakbong lumapit sa 'kin si Julia tsaka ako inambahan ng yakap na tinanggap ko naman ng nakangiti.

Nasa hallway kami ngayon. Pupuntahan ko lang sana si Fey pero nakasalubong ko siya.

Kumalas na kami sa pagyayakapan. Inyaos niya muna ang salamin niya bago siya sumimangot sa 'kin.

"Hoi! Sa'n ka galing kagabi? Ba't'di ka umuwi sa unit natin huh! Okay ka na ba? May masakit pa ba sa 'yo. Grabe halos tumira ka na sa klinik Sam. 'Di ka naman sakitin, himatayin lang noh?" sa dami ng sinabi niya at itinanong niya ay naguluhan ako kaya hindi ko siya nasagot at tinitigan ko na lamang siya.

"Hoi! Ano na?"

"Ang dami mong sinasabi. Iisa lang naman ang sagot." aniko.

"Eh, hindi ka naman sumagot eh!" reklamo naman niya.

"As long as I am standing in front of you, talking. I'm okay! You don't need to worry anytime na may mangyayaring gano'n sa 'kin." aniko.

Umiling naman siya, "No! You can't stop me from doing that. If I wouldn't do that, nobody would." seryoso niyang wika sa 'kin.

Inirapan ko naman siya sa sinabi niya. Sasagutin ko na sana siya ng mapawi ang atensiyon ko sa isang babae na sa wari ko ay magkasing edad lamang ni Alex dahil sa postura at laki ng katawan nito. Kumunot ang aking noo nang mag-simulang magbulungan ang ibang estudyante na nasa hallway.

"'Di ba siya 'yung bago na tumalo kay Fey?"

"Ang ganda niya, kaso nga lang masungit ang mukha."

"Siya ba 'yung may Nature power? Ang galing niya noh! Do'n lang ako nakakita ng gano'ng kapangyarihan."

"Oo nga eh! Ang akala ko ay wala nang makaka-adapt ng nature power na mga kabataan."

"Ang galing, may kapangyarihan siyang katulad ng mga maharlika, 'di ba si Princess Thea ay may ganiyan 'din na kakayahan?"

Ilan lang 'yan sa mga narinig ko mula sa mga estudyante rito. Habang tiningnan ko ang babaeng may katangkaran at katulad ng sinabi no'ng iba na medyo masungit ang mukha niya at hindi maipagkakailang maganda siya.

May parte sa buhok niya na kulay berde, katulad ito ng buhok ko na may iilang parte na kulay lila.

"Sino siya?" tanong ko kay Julia habang nakatingin pa rin sa babae.

"Hindi ko nga rin alam eh! Siya ata 'yung babae na pumigil may Fey. At alam mo ba na kung anong nakakatawa sa kaniya?" Napalingon na ako kay Julia no'ng sinabi niya 'yun.

"Inutusan ako ni Mr. Pres. na tanungin siya kung bakit siya nakisali sa away ninyong dalawa ng gano'n lang kadali. Alam mo ba kung ano ang isinagot niya?" may halong tawa niyang tanong sa 'kin.

"Ano?"

"It's too noisy. I can't concentrate on my reading, that's why I shut her up!" aniya na parang ginagaya pa niya ang boses no'ng babae.

"Oh! 'Di ba nakakatawa ang rason niya? And I guess she doesn't know you or anyone else here except of the Supreme president, I guess?" aniya saka sinipat din niya ang babae.

"Saang class ba siya nabibilang?" tanong ko pa.

"Malay ko. Bago lang 'yan eh. Itanong mo na lang kay Mr. Pres dahil sigurado akong dumadaan naman sa kaniya ang lahat ng estudyante rito sa paaralan." aniya.

Enchanted Academy: War Between Love And Justice✓Onde as histórias ganham vida. Descobre agora