𝙲𝚑𝚊𝚙𝚝𝚎𝚛 07

515 23 0
                                    

•••𝚂𝙴𝚅𝙴𝙽•••

𝚂𝚊𝚖𝚊𝚗𝚝𝚑𝚊'𝚜 𝙿𝙾𝚅

"Higher Samantha! Do not lower it." ang sabi ni ma'am Aurora.

Nandito na naman ako sa training room niya at pinaparusahan na naman niya. Ewan ko kung matatawag pa ba 'tong training. Parang parusa na kasi 'to ma'am Aurora eh.

"Yes ma'am." matamlay kong sagot sa kaniya at sinimulan na muli ang sinasabi niya. Mas ginalingan ko pa ang pagwawasiwas ko ng hawak kong espada.

But then I realized na hindi ko na eenjoy ang pag-eensayo ko kaya mabilis akong tumigil ata napansin naman iyon ni ma'am.

"Oh Ba't ka tumigil? Gusto mo na naman bang maparusahan?" tumingin ako sa kaniya.

"Ma'am... Nagsasayang lang ata ako ng oras sa paganito mo ma'am eh. Apat na araw na akong pabalik-balik sa ganitong proceso at hindi pa tayo nag po_proceed sa susunod. Papaano na lang kung bukas lumosob na sila?" inis kong wika kay Ma'am.

"Edi patay ka na kasi puro ra reklamong bata ka." galit naman na wika sa 'kin ni ma'am.

"Ma'am naman eh! Mukha ba akong nakikipagbiruan sa inyo? Hindi 'di---Sheyt!" malakas akong tumilapon ng inambahan ako ni ma'am ng atake sa espada na nasangga ko naman kaagad sa hawak king espada.

Nang makabawi ay kaagad akong tumingin kay ma'am. Matalim ang mga tingin niya sa 'kin habang iwinawasiwas niya sa ere ang sandata niya na ani mo'y naglalaro lang ng isang stick.

Kaya naman mas hinigpitan ko pa ang hawak sa sandata na nasa kamay ko ngayon. I recall Marco's advice noong tinuturuan niya ako. Ang kalaban hindi nagsasabi kung kailan siya aatake at iyon ang ginawa ni ma'am Aurora kanina. Buti napansin ko kaagad kung hindi edi sugatan na ko ngayon.

Bigla na lang sumugod si ma'am sa 'kin kaya naman ay naalerto ako. Kahit na nangangalay na ang aking kamay dahil sa bigat ng espadang ito ay nakaya ko pa naman.

Nagpapalitan na kami ngayon ni ma'am Aurora ng atake. At masasabi ko na napakalakas ni ma'am kumpara kay Marco. 'Yung bawat atake niya sa 'kin ay nagagamitan ko talaga ng buong lakas ko para hindi ako tumilapon.

"Harder, Samantha! Make it harder!" sigaw ni ma'am sa 'kin habang buong lakas kong tinitigilan ang pagtulak niya sa 'kin gamit ang espada.

"Ganiyan ka ba makipaglaban? Ang hina-hina mo pa Sama--"

"Arggghh!" nainis ako sa sinabi ni ma'am kaya buong lakas ko siyang itinulak at binigyan pa ng isang atake na nagpatumba sa kaniya sa sahig.

Hindi ako nagdalawang-isip na tutukan kaagad siya sa leeg ng tinangka niya pang i-angat ang sandata niya sa 'kin.

Naka-upo siya ngayon sa sahig habang ako ay nakatayo at nakatingin sa kaniya ng seryoso at tagaktak ang pawis. Sawa na akong marinig ang panlalait niya eh. Minsan, madala s akong mainis sa kaniya dahil sa mga pinagsasabi niyang wala naman konek sa pag-eensayo ko.

Nakita ko ang pagsilay ng ngiti ni ma'am sa kaniyang labi. Isang mapaglarong ngiti kaya lubha akong nagtaka sa kaniya. Hindi ba siya si ma'am Aurora? O baka nagkamali na naman ako?

Napansin ko ang bahagyang pagsenyas ng kaniyang kamay sa kabila kaya bigla akong naalerto. Sa paglingon ko ay may umatake sa 'kin na ng espada kaya mabilis ko iyong sinangga ngunit dahil sa lakas nito ay napaatras ako ng makailang hakbang papalayo sa kanila.

Nanag makabawi ay doon ko lang nakikila ang lalake na umatake sa 'kin. Tinulungan niyang tumayo si ma'am Aurora at saka humarap sa 'kin.

"Liam?" bigkas ko sa pangalan niya. Nag-bow siya na inilagay pa sa dibdib niya ang kaniyang kamay na nakahwak ng espada. Pagkatapos ay mabilis na ini-angat ang ulo.

Enchanted Academy: War Between Love And Justice✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon