Chapter 30

398 18 6
                                    

•••THIRTY•••



Sophia's POV

I slash the last man that attacked us. Hinihingal akong nagpalinga-linga sa paligid at tinanaw ang aking mga kasamahan.

Buti na lang at naagapan namin si Cheska na ngayon nagkamalay na ngunit hindi siya makalakad ng maayos sapagkat may kaunting bali ang kaniyang kaliwang paa.

Nakita lang namin siyang nakahandusay dito na walang malay at mabuti na lang talaga at naabutan namin siya kundi ay tuluyan na siyang pinatay ng mga kampon ni Ziphora at makuha pa tuloy ang kaniwang wangis.

“Okay lang ba kayo?” rinig kong tanong ni Lucas ng magsama kaming lahat.

“Hmm…” tango kong sagot kasi nga hinihingal ako sa pakikipaglaban ko kanina.

“Hindi sila maubos-ubos! Kainis!” napalingon ako ng sinabi iyon ni Scarlet.

“Ate Red. Hindi mo pa po ba nakita sina Kuya Sun at kuya Grey?” nahimigan ko ang pag-aalala sa boses ni Alex na nakaalalay na ngayon kay Cheska.

Masungit ang mukha niya ngunit halata naman sa boses niya ang pag-aalala niya.

“Tahimik ka muna diyan Lex! I'm trying to locate them.” ang sabi naman ni Kristoff.

Nagkatitigan pa kaming dalawa. Naalala ko na naman bigla ang nangyari sa 'min kanina. Siguro ay galit na siya sa 'kin.

Kapag siya na ang tinitingnan ko sa mga mata ay hindi ko basta-bastang nababasa ang emosyon niya.

Ewan ko talaga kung anong klaseng tao siya at naiiba siya sa lahat. Para bang may tinatago siyang kakaibang kakayahan na magpapabigla sa 'min.

“Nakita mo na?” masungit na tanong ni Alex.

“Palace." Maikli niyang sagot ngunit kalmado lamang ito. Inayos niya ang kaniyang salamin at saka nagpatuloy sa pagsasalita niya.

“Their protecting the palace at ang mga mamamayan.”

“You're not lying right?” tanong pa ni Scarlet.

“Why would I?”

“I don't know you that well. Maybe you're just lying to us to not hurt us?“ she said it sarcastically.

“Scarlet!” saway ko. Tinitigan naman niya ako ng masama saka umirap na naman at nag-walkout.

Nilingon ko naman si Kristoff but he just avoided my gaze at saka sumunod nang maglakad kay Scarlet.

“We need to find the others bago natin lisanin ang paaralan.” ani Liam na tinanguan ko na lamang.

“Let's go.” aniko

Nagsimula na nga kaming maglakad at hindi pa nga kami naka-isang minuto ng paglalakad ay nabigla na lang kami ng may sumabog na naman.

Nahinto kami ng dahil doon dahil may malakas na hangin ang kumawala na medyo nakaktangay siya pag hindi mo lalabanan.

Isang napakalakas na enerhiya. Buti na lang at naging alerto si Kristoff at mabilis siyang nakagawa ng barrier para sa 'ming lahat.

Kasama ko kasi ngayon sina Liam, Yumi, Julian na kanina pa tahimik at mukhang seryoso, Lucas, Anna at Alex na inalalayan si Cheska, Scarlet, Kristoff at si Marco na walang ibang iniisip kundi ang kakambal lang niyang si Althea.

“Thea!” bulalas ni marco na ikinalingon ko sa kaniya.

Bigla na lang siyang tumakbo na sinundan naman namin kaagad. Naramdaman ko nga ang presensya ni  Thea sa kaniyang kapangyarihan kanina.

Enchanted Academy: War Between Love And Justice✓Where stories live. Discover now