𝙲𝚑𝚊𝚙𝚝𝚎𝚛 11

423 21 0
                                    

•••𝙴𝙻𝙴𝚅𝙴𝙽•••

𝚂𝚊𝚖𝚊𝚗𝚝𝚑𝚊'𝚜 𝙿𝙾𝚅

”Huwag tumingin sa mata!” sigaw ng leader nong mga hukbo ng hari.

”Yes Sir!” sagot naman ng lahat nang hukbo niya.

”Lahat ay maglagay ng piring sa mga mata! Tandaan ang pinagsanayan at mag-ingat ang lahat. MALIWANAG!”

”YES SIR!” sagot uli ng lahat matapos maglagay ng piring sa kanilang mga mata.

Doon ako nagulat kasi hindi pa naman kami nakakalabas ng paaralan at nakapiring na sila. Kaya ba nilang maglakad papunta doon sa kagubatan kung nakagan'yan lang sila?

Napatingin ako sa telang ibinigay sa 'kin ni Julia. Sa paglingon ko sa kaniya ay nakita ko ang pag-aalala sa mukha niya.

”Mag-ingat ka Sam huh! Sorry kung hindi ako makakasama sa inyo. Baka---”

Umiling ako at kinuha ang tela na ibinigay niya para sa mata ko, ”Wag kang mag-alala. Basta ba pakibantayan mo ang libro at ang paaralan. Tulungan mo rin ang ibang mga estudyante kanina na mga nasugatan, okay.” mahinahon kong wika sa kaniya. Tumango naman siya sa mga sinasabi ko.

”At si R-Ian. Si Ian, tingnan mo kung okay lang ba siya kasama ang mga kapatid niya.” tumango lang din siya at saka naman ako tinawag ni Sophia.

”Samantha! Let's go!” bumitaw na ako kay Julia at naglakad na papunta kila Phia at sumabay ako sa kanila.

”Tandaan mo. Wag tingnan ang mata okay?” ang sabi pa niya na tinanguan ko na lang.

Naglakbay na kami sa likod ng paaralan. Ngunit kumunot ang noo ko nang makitang malaking pader lang ang naroroon at wala man lang akong nakita na labasan dito.

”Saan tayo dadaan niyan?” kunot-noo kong tanong sa kanila.

Bigla na lang na umatras ang hukbo ng hari kaya napaatras na rin ako. May iba pa kaming mga kasama na hindi ko kilala at mukhang parte sila ng kaharian kaya hindi ko na lang sila inabala pa.

Nakita ko ang dating reyna na inilagay ang kamay niya sa pader at may ibinulong sa ere. Mga ilang segundo pa ang nakakalipas ay umilaw ito at biglang yumanig ang pader kasabay nang biglaang paglabas ng gate doon. Nakakamangha kung iisipin mo ngunit sa ngayon ay ang gusto ko lang ay ang makarating doon ng mas mabilis.

Nagpatuloy na kami sa paglalakad nang magbukas 'yun. Namangha na naman ako sa ipinapakita ng mga hukbo ng hari sa 'kin. Kaya nilang maglakad ng tuloy-tuloy kahit na may piring ang kanilang mga mata. Nasa kalagitnaan na kami ng kagubatan nang may marinig kaming mga kaluskos kaya nahinto kaming lahat at naging alerto.

Nagpa-iwan ang dating reyna doon. Ang sabi niya, hindi raw niya alam kung paano napunta sa lugar na 'to si ma'am Aurora at si Grey kung gayong mga royal family lang daw na nasa rank 1 ang may kakayahan na makapagbukas ng pintuan papunta sa kagubatang ito.

Ang sabi pa kasi nila, kaya raw may gano'n kasi dito nakatira ang iba't-ibang klaseng mga nilalang na hindi basta-basta namamanipula ng mga animal manipulator katulad ni Sophia at Julia. Kumbaga mga nilalang na walang kinikilalang pinuno maliban sa hari ng kadiliman.

Ma-ingat lang din akong nakikinig sa paligid. Napansin ko na nagsimula ng suotin nila Sophia at nang iba pa naming kasamahan dito ang mga piring nila kaya nakigaya na rin ako. Katabi ko si Sophia na bumulong sa 'kin matapos kong takpan ang mga mata ko ng tela.

”Kaya mo bang gumalaw ng naka piring?” mahina niyang bulong sa 'kin.

At isa pa raw, bawal kaming mag-usap gamit ang telepathy kasi naririnig din daw iyon ng basilisk na sinasabi nila. Hindi ko na nasagot pa si Sophia ng may marinig kaming malakas na kaluskos sa may bandang kanan kaya napayuko ako bahagya sa pagkagulat. Ewan ko lang sa iba,wala akong nakikita eh kundi kadiliman lang.

Enchanted Academy: War Between Love And Justice✓Where stories live. Discover now