𝙲𝚑𝚊𝚙𝚝𝚎𝚛 05

550 25 0
                                    

•••𝙵𝙸𝚅𝙴•••

𝚂𝚊𝚖𝚊𝚗𝚝𝚑𝚊'𝚜 𝙿𝙾𝚅

Nagpapalitan pa rin kami ngayon ni Althea ng kapangyarihan. Ramdam na ramdam ko ang galit niya sa 'kin. Pero hindi ko kayang sabihin ang tinutukoy niya kasi baka mali ako at may iba pa siyang pinapahiwatig sa 'kin.

"Aaaaahhhhh!" sumigaw siya at isang napakalakas na hangin ang nagpatilapon sa 'kin na ikinabigla ko.

Gano'n ba siya kagalit sa 'kin. Nagtama ang paningin naming dalawa at nakita ko ang pagpatak ng kaniyang mga luha.

"Why? Why is it always me? Nakakasakal na! Sobra! NAKAKA-INIS!" sigaw niya pa na umalingawngaw sa buong sulok ng training room.

Kahit pa anong sigaw mo dito ay walang makakarinig sa 'yo kasi soundproof ang room na ito that's why she's free and shouting in front of me.

"Bakit? Ano bang problema? Pwede mo namang ipaliwanag sa 'kin eh. Nakakaintindi rin ako princess Thea." mahinahon ko lang na wika sa kaniya habang tumatayo ako.

She gave me her most death glared habang patuloy pa rin na umaagos ang kaniyang mga luha. Nakita ko na bumuo na naman siya ng kapangyarihan sa kabilang kamay niya ng patago na nakita ako naman.

"Stop that." sabi ko sa kaniya sa malamig na tono.

"I'll never understand you kasi wala ka namang sinasabi sa 'kin. Lagi ka na lang ganiyan. Umaatake sa 'kin ng hindi ko alam kung bakit." sabi ko pa sa kaniya.

"You'll never know because you don't care at all. Isa ka rin naman sa nagalit sa 'kin eh. Kaya wag lang pa inosente." singhal niya na ikinakunot ng noo ko.

"Thea... I never said I hated you? Ba't naman ako magagalit sa 'yo kung hindi mo naman ako binigyan ng dahilan para magalit ako sa 'yo. Hindi ako galit sa 'yo, naiinis lang ako kasi tinatrato mo akong ganito ng hindi ipinapaliwanag sa 'kin kung ano nga bang nagawa kong kasalanan at nagkaganyan ka sa 'kin." sumbat ko sa kaniya.

"Sa pagkakaalam ko wala akong inagaw sa 'yo. Wala akong ginawang mali sa 'yo. For once ibaba mo naman 'yang pride mo para hindi ka masaktan ng todo kung kinakamuhian ka man ng ibang tao." ang sabi ko pa sa kaniya habang patuloy pa rin siya sa pag-iyak niya.

"Nobody listen anyway." mapait niya iyong sinabi sa 'kin.

Ibang-iba ang Althea Fallonia na kaharap ko ngayon. She shed tears in front of me at kitang-kita ko talaga ang hinanakit sa pag-iyak niya. Like as if she's suffocated for a long period of time at ngayon lang siya nakahinga ng maluwag.

"Thea... anyone who has ears can listen. The problem is, you should build a confidence to tell someone of you're problem. Kasi iyon nakikita ko sa 'yo ngayon." tahimik lang siya na tumalikod sa 'kin.

"You're not here to scold me right? Nandito ka kasi ito lang ang nag-iisang lugar na makakalabas ka ng hinanakit mo. Because this is the only soundproof room sa lahat ng building dito sa campus." ang sabi ko pa sa kaniya.

Narinig ko ang munting paghikbi niya. She's like a child. Iyon ang nakikita ko sa kaniya ngayon. For some reason, nakaramdam ako ng awa sa kaniya.

I thought masaya na siya sa buhay niya kasi mas angat siya sa iba. Akala ko nasa kaniya na lahat ng kasiyahan na inaasam-asam ng lahat. Pero bakit ganito ang nakikita ko sa kaniya ngayon. Sino bang magtatangkang pahirapan ng ganito ang isang prinsesa? Hindi kaya nahihirapan siya sa kaniyang mga magulang ngayon o sa mga tao na binabalikan na siya dahil may mas nakaka-angat na sa kaniya?

Enchanted Academy: War Between Love And Justice✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon