CHAPTER 02

637 27 0
                                    

Kabanata 02.

Samantha's Point of View

Mabilis kong ipinasok ang hintuturo ko sa aking bibig para sumuka ako. Hindi na ako nag-abala pang pumunta sa Cr kasi mas importante sa 'kin na mailabas ko ang nakain kong shrimp.

F*ck! I'm allergic to shrimp!

"Samantha? Bakit? May nakain ka bang panget ang lasa?" tanong ni Yasmen sa 'kin habang hinahagod niya ang likod ko habang ako naman ay patuloy lang sa pagsuka.

Pero hindi sapat ang pagsuka ko dahil nagsimula nang umikot ang paningin ko. It ain't good. Nagsimula na siya. Ipinikit ko ang mata ko at sinubukan kong mag inhale-exhale.

Naramdaman ko na ang pagsisikip ng dibdib ko. Kasunod nito ay susuka na ako ng dugo. Kailangan ko ng gamot. Pero walang gamot dito, healer lang ang meron sila.

"F*ck! What happened to her?" Narinig ko ang boses ni Ma'am Aurora.

Kumalampag ang lamesa at may narinig akong tunog ng plato.

"Anong kinain niya?" atat niyang tanong.

Habang ako ay naghihingalo na. Pinipigilan ko lang ang sarili ko na sumuka ng dugo kasi baka mabigla ko sila at mag-alala na naman sila ng husto sa 'kin.

"Uhm... the soup. A shrimp so-"

"Shrimp! F*ck! She's allergic to shrimp!"

May naramdaman akong kamay na humawak sa magkabilang balikat ko at dahan-dahan akong pina-upo sa sahig.

Idinilat ko nang kaunti ang mga mata ko. Mas lalo pang umikot ang paningin ko nang idinilat ko ito at sumasakit na rin ang ulo at dibdib ko. May kung ano na namang gumagalaw sa mga laman ng buong balat ko na ani mo'y mga langgam sa kati nito.

Nangangati na ako.

"Open your eyes, Samantha. Don't you dare close it!" Mariin na wika sa 'kin ni ma'am habang may hawak siya sa kamay niya na parang eye drop.

At hindi nga ako nagkamali dahil ilang segundo pa ay pinatakan niya ng mabilisan ang magkabila kong mga mata.

"Yumi! Your ice power. Just freeze her for a while para umepekto kaagad ang gamot," ani ni ma'am kay Yumi.

"Samantha! Spit that blood in your mouth, faster!" Ma-awtoridad niya iyong sinabi sa 'kin.

She knew. But how?

"Samantha, wag matigas ang ulo!" mapagbanta niya uling wika sa 'kin.

Tumagilid ako kahit na naramdaman ko na ang lamig sa katawan ko sa ginawa ni Yumi. She freezes my body except for my head. Mabilis kong inilabas ang dugo na iniipon ko lang sa bibig ko.

"Thank god!" Ang sabi ni ma'am Aurora.

Nakita kong may itim na nahalo sa dugo na idinura ko. Nakahinga na rin ako ng maluwag nang mailabas ko iyon at unti-unti na ring nawala ang kati sa katawan ko. Naramdaman ko ang pagyakap ni Ma'am Aurora sa 'kin na bahagya kong ikinabigla.

"Ate Scarlet is h-" natigil si Alex nang makita niya kami na nagyayakapan ni Ma'am Aurora.

"I almost lost you. Hindi na ako papayag pang mawala kang muli."

Bulong iyon ni ma'am sa 'kin which I find weird. Kumalas si ma'am sa pagkakayakap sa 'kin.

"Are you feeling better now?" tanong niya na puno ng pag-alala.

Kahit nalilito ako sa kaniya ay tumango nalang ako, "I- I'm okay. T-thank you." hinihingal kong sagot sa kaniya at bahagya pang ngumiti.

"Ano bang nangyari sa kaniya?" seryosong bungad ni Scarlet.

Enchanted Academy: War Between Love And Justice✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon