𝙲𝚑𝚊𝚙𝚝𝚎𝚛 08

460 24 0
                                    

•••𝙴𝙸𝙶𝙷𝚃•••

𝚂𝚊𝚖𝚊𝚗𝚝𝚑𝚊'𝚜 𝙿𝙾𝚅

Nagising ako sa hindi ko malamang lugar. Nasa isang malaking kama ako at isang kwarto na halos lahat ay puti at napakalawak pa ng kwarto. Anong klaseng kwarto eto?

Tumayo ako mula sa pagkakahiga. Ni wala man langa kong makitang pintuan o 'di kaya bintana man lang. Anong klaseng lugar ba 'to?

”Hello~” ngunit nabigla ako ng hindi ko mabuksan ang aking bibig.

Mabilis kong kinapa ang aking bibig at wala naman kahit anong bagay na nakakapagpigil sa 'kin na magsalita. Ngunit bakit hindi ako makapagsalita?

May nakita akong isang babae na ang kasuotan ay puti lahat. Bigla niya akong nilingon kaya kumunot ang noo ko.

”Kamusta ka magandang prinsesa,” ani niya sa 'kin.

Sinubukan kong sumagot sa kaniya pero nabigla ako ng may ibang boses akong narinig.

”Ikaw? 'Di ba ikaw ang diwata na nagligtas sa 'kin noon nang makulong ako sa panaginip?” iyon ang sinabi ng boses. Pero nakakapagtaka kasi katunog ito ng aking boses?

Sinubukan ko uling magsalita ngunit hindi pa rin ito lumalabas sa aking bibig.  Nakita ko ang pagtango ng diwata.

”Oo ako nga. Congratulations! Ikaw ngayon ay isa ng ganap na diwata. Sa araw na 'to ay nabuhay na rin ang iyong mapapangasawa.” ang sabi niya. Namilog ang mat ko sa kaniyang sinabi.

Doon ko lang napagtanto na hindi ako ang magko-kontrol ng aking katawan ay may ibang nilalang na nakapasok sa 'kin. Hindi ko kontrolado ang katawan ko ngayon.

”Hahaha!” narinig ko ang pagtawa ng aking sarili. Sino ka ba at pumasok ka sa katawan ko? Tanong ko sa babaeng nasa katawan ko. Pero wala akong nakuhang sagot.

”Bakit ka tumatawa diwata?” inosenteng tanong ng diwatang kaharap ko.

May katandaan na siya pero maganda pa rin naman siya, ngunit hindi ko lang siya kilala.

”Kailan mo ba titigilan ang kahibangan mo? It's almost thirty years, please tumigil ka na!” sabi ng babaeng nag control sa sarili ko.

Medyo naantig ako sa pinag-uusapan nila kasi feeling ko ay patungkol ito sa nangyayari sa 'kin ngayon.

Kitang-kita ko ang pamimilog ng mata ng diwatang kaharap ko. ”P-paanong? W-wag mong sabihing…”

Naramdaman ko ang aking sarili na ngumiti ng nakakaloko. ”Long time no see, Ina. Ano na namang kahibangan ang pumasok sa isipan mo at dinamay mo na naman ang inosenteng batang ito.” galit iyong sinabi ng babaeng nasa kawatan ko sa diwatang tinawag niyang ina.

”Paano ka nakapasok sa batang iyan? Ikaw ba? Ikaw ba ang sumabotahe sa mga plano ko?” puno ng hinanakit ang diwata sa harap an ko ngayon.

Sino ka bang nasa katawan ko? Salita ko, nagbabakasakali na baka marinig niya ako. Sinubukan kong igalaw ang katawan ko ngunit hindi ko nagawa. Mukha akong na sleep paralysis sa sitwasyon ko ngayon.

”Magdahan-dahan ka sa sinasabi mo ina. Gising ang diwa ng babaeng ito kaya naririnig ka niya.” nabigla ako sa sinabi ng babae.

Alam niya. At may kinalaman ang diwatang kaharap ko sa mga nangyayari sa 'kin. Siya ba ang naglagay sa 'kin sa mundong ito?

”Itigil mo na 'yan! Gusto ko lang naman na makasama kang muli, mahal kong an--”

”Stop it, ina! Hindi mo alam kung paano magmahal. Sarili mo lang ang iyong iniisip. You only love me because it can benefit your image here, in this land.” ang sabi pa ng babaeng nasa katawan ko.

Enchanted Academy: War Between Love And Justice✓Where stories live. Discover now