Chapter 37

324 15 3
                                    

•••THIRTY-SEVEN•••

Samantha's POV

“Ngayon masasaksihan natin ang pag-iisang dibdib ng diwatang si Anayah Natashia at anak ng ating hari na si…” nahinto ang pastor na nagkasal sa 'min.

Hindi ko alam kung anong puamsok sa 'kin at natawa ako bigla. Ano't hindi niya kilala ang anak ng kinikilala niyang hari?

“Anayah!” mahinang singhal sa 'kin ng kabiyak ko ngayon.

“Alexandro Voyager. Ano't hindi mo alam ang aking tunay na pangalan?” nahimigan ko ang galit sa boses niya.

“Panget ng pangalan.” mahinang bulong ko.

“Tumahimik ka diyan Anayah!” suway ng kaniyang ina sa 'kin.

Wala akong ibang magawa kundi ang inisin lamang sila. Alam ko naman na may mangyayaring pagtutol sa kasal na ito. Malakas ang loob ko. At tsaka hindi naman siguro ako hahayaan ni Anayah, besides it's her body too but I'm in control of it.

“Pasensya na po kamahalan.”

“Bilisan mo na. Tanggalan kita ng ulo diyan eh.” galit na wika ni Alexandro.

“Sa pag-iisang dibdib ng dalawang makapangyarihang nilalang sa buong Enchanted kingdom. Alexandro, tinatanggap mo ba si Anayah bilang iyong asawa at katunggali sa buhay?”

“Yes of course!” napa-irap ako sa sagot niya. Hindi niya kasi inalis ang tingin niya sa 'kin nang sabihin niya ang mga katagang iyon.

“Anayah, tinatanggap mo bang---”

“No.” I coldly said habang nakatingin lang din ng diretso sa mga mata ng demonyong kaharap ko.

Napalingon ako sa baba ng marinig ko ang isang pagsigaw at ang tunog ng espada. Nanlaki ang mata ko sa bigla. Isang sibilyan ang pinaslang ng tauhan ni Ziphora na mga sinner corps.

“Isang pagkakamali ay isang buhay ang makakalas. Ano Anayah? Tatanggi ka pa ba?”

Puno ng galit kong tiningnan si Ziphora. Naikuyom ko pa ang aking kamao sa galit ko. Dinig ko mula rito sa itaas ang pag-iyak ng kamag-anak sa taong pinaslang nila. Hindi ko na kaya pa ang ginagawa nila.

“Kahit anong mangyari Samantha wag na wag kang papayag sa gusto nila. Kapag naging parte ka na ng pamilya nila'y mamatay lang din naman kami.” napalingon ako sa nagsalita.

It was my father. I saw longing in his eyes nang magtama ang paningin namin.

Tumawa naman si Ziphora, “Iyon ay pagdedesisyonan pa namin. Huwag kang mag-alala hindi ka pa namin papaslangin sapagkat magagamit ka pa.” mas lalo akong nagalit sa iwinika ni Mica.

“Tama na ang satsat. Ituloy niyo na.” ani Alexandro.

“May tumututol ba sa kasalang ito?”

Bahagya akong nabigla kasi dumeretso sila sa parte na ito. Ni hindi ko pa nga nasabi ang mga kataga ko. Saglit na nabalot ng katahimikan ang paligid. Ito na lang ang natitirang paraan ko. Sana naman may tututol lang kahit isa. Malapit na… Malapit na ang banal kong espada na kanina ko pa tinatawag.

“Kung wala, You may now kiss the bride.” nagpalakpakan ang mga kampon ni Ziphora.

Isang ngiti naman ang nakita ko sa lalaking kaharap ko ngayon. Unti-unti na siyang lumalapit sa 'kin. Hawak na niya ngayon ang pisngi ko pero hindi ako basta nagpabigay sa kaniya. Pinilit kong ilayo ang mukah ko sa kaniya kaya naglalaban kamyo ngayon sa aking lakas.

“Ano ba! Hinalikan mo na ang lalakeng 'to! Ba't hindi mo ako kayang halikan ngayon?” galit niyang singhal sa 'kin.

“You're not him. At kahit pa katawan niya iyan hinding-hindi kita hahalikan kasi ikaw ang laman niyan! Pweh!” dinuraan ko uli siya.

Enchanted Academy: War Between Love And Justice✓Where stories live. Discover now