Chapter 27

357 21 0
                                    

•••𝚃𝚆𝙴𝙽𝚃𝚈-𝚂𝙴𝚅𝙴𝙽•••


𝚂𝚘𝚙𝚑𝚒𝚊'𝚜 𝙿𝙾𝚅

"Wala pa ba ang mahal na Reyna?" ani Yumi na pabalik-balik ng lakad.

"Tumigil ka nga muna diyan sa ginagawa mo! Nahihilo ako sa 'yo Yumi!" singhal naman ni Scarlet.

"E kasi naman a---"

"Mag-antay tayo Yumi. Mag-antay okay?" aniko.

"Ilang araw na tayong nag-aantay, Sophia. Hindi natin alam kong buhay pa ba si S---"

"Buhay pa siya. May tiwala ako sa estudyante ko. Kaya tigilan mo ang ginagawa mo diyan at pumasok ka na sa klase mo." ang sabi ni ma'am Aurora na kakarating lang.

"Ma'am hi---"

"Yumi... Magtiwala tayo kay Sam okay? Isa siyang diwata kaya wag kang mag-alala. Hindi siya mamatay hanggat hindi rin namamatay ang kampon ng kadiliman." ani Ma'am Aurora.

Wala nang nagawa si Yumi sa sinabi ni ma'am. Papalabas na rin sana siya ng pumasok na naman bigla ang isa pang kaibigan ni Sam.

"Wala pa ba?" ang tanong rin niya na siyang nagpa-irap kay Scarlet. Nakita ko lang sa peripheral vision ko.

Rinig ko ang pagbuntong hininga ni ma'am Aurora. Hindi pa nga nakakasagot si Ma'am nang bigla na lang yumanig ang lupa at lahat kami ay nabigla at naging alerto.

"Ohh Gad! Not again..." ang reklamo ni Scarlet.

Mukhang may nakapasok na naman na kalaban. Dahil sa nabasag ang barrier ng buong Enchanted Kingdom pati na dito sa Enchanted Academy.

"Who are they?" napatingin ako kay Ma'am nang magsalita siya. Mukhang may kausap siya sa telepathy niya.

Nagtama ang paningin namin ni Ma'am at mukhang seryosong-seryoso talaga siya ngayon.

"The Crowned Queen Retreat. Ihanda niyo kapangyarihan at armas ninyo. Nilulusob na tayo ng mga kadiliman." seryosong ani no ma'am Aurora sa 'min.

"Pero hindi pa naman gabi." ani Julia.

"May iba't ibang klase ang kadiliman. May iba na hindi takot sa liwanag dahil mas nakakaangat sila sa mga takot sa liwanag. Kaya magsihanda kayo!" aniya.

Matapos sabihin ni ma'am ang mga iyon ay nagsihanda na nga kami. Isa-isang nagsilabasan ang aming kakayahan at patakbo kaming lumabas ng silid dahil sa sunod-sunod na pagsabog sa paligid.

Sa paglabas pa lang namin ay may sumalubong na sa 'min. Mabilis kong nilabanan ang mga lumapit sa 'kin. Nang matapos ay tumungo na kaagad ako sa iba pa para tumulong nang may mahagip ang mata ko.

"Zara? The fck is she doing?" naibulalas ko iyon sa 'king sarili nang makita ko siya na nasa tuktok lang ng kahoy na nakatayo at nanonood lang sa nakararami na nagpapatayan na sa kaniyang paligid.

"Duwag din siya? Ang galing sumagot pero hindi naman pala tumutulong." dinig kong wika ni Scarlet na nasa tabi ko na.

"Naiinis ka na ba? She's a second version of you, don't you know?" aniko at mabilis siyang iniwan.

Seryoso lang ako habang pinapatumba ang mga nadadaanan kong mga kalaban. Hanggang sa may sumabog na naman at tumilapon ako kasi hindi ako nakapaghanda. Nasa gilid ko lang kasi ang sumabog bahagya pa akong nabingi at saka nahilo ng bahagya.

"Shit! Nahihilo ako." bulalas ko sa 'king sarili.

May naramdaman akong kamay sa balikat ko kaya mabilis ko iyong ibinalibag kahit na nahihilo ako nang bahagya.

Enchanted Academy: War Between Love And Justice✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon