𝙲𝚑𝚊𝚙𝚝𝚎𝚛 18

355 18 0
                                    

•••𝙴𝙸𝙶𝙷𝚃𝙴𝙴𝙽•••

𝚂𝚊𝚖𝚊𝚗𝚝𝚑𝚊'𝚜 𝙿𝙾𝚅

Naglalakad ako sa hallway papunta sana sa Office ni Supremo nang may pumigil sa 'kin.

”Sammy!” tawag ni Rex sa 'kin.

Natigil ako sa paglalakad at hinarap siya na nasa likod ko.

”Hi!” ngiting wika ko sa kaniya saka kumaway. Nabigla naman ako nang salubungin niya ako nang yakap.

I-I miss him…

”I'm really worried! Hindi mo man lang sinabi sa 'kin na kahapon ka pa pala nakabalik dito!” galit niyang wika sa 'kin pagkatapos niyang kumalas sa pagyayakapan naming dalawa.

”Uhmm… biglaan kasi e.” ang nasagot ko na lang sa kaniya.

He's back. Being a nagging friend everytime na hindi ko siya sinasabihan sa kalagayan ko.

”Kahit na mmy! Balak ko na sanang punatahan ka ngayon eh. Then there I found out na nandito ka na pala.” galit pa rin niyang wika sa 'kin.

”Sa'n mo naman narinig na nandito na ako?” tanong ko sa kaniya kasi wala na akong ibang maisip na sasabihin sa kaniya.

”Words spread here just like a wild fire, here in the campus, Samantha. When it comes to you. You know that you're always the topic of every school kahit saan ka pa lumipat.” Somehow, naka-relate ako sa sinabi niya.

Napangiti ako nang dahil sa sinabi niya, ”You're right though.” maikli kong sagot.

”Okay ka na?” aniya.

Tumango ako, ”Okay na. Kaya wag na mag-alala okay?” ang sabi ko rin sa kaniya.

”Buti naman kung gano'n.” sinabi niya iyon na para bang ngayon lang siya nakahinga ng maluwag.

”Sa'n punta mo? Hatid na kita.” nakangiti na niyang wika sa 'kin.

Umiling naman ako, ”Hindi na. Kaya ko na sarili ko Rex. Hindi na ako bata.” Hinawakan naman niya ang kamay ko na ikinabigla ko.

”Sige na! Minsan lang naman eh! Na miss lang naman kita.” parang bata niyang wika sa 'kin.

Naalala ko na naman ang nakaraan naming dalawa. Kung noon binigyan niya ako ng kakaibang pakiramdam sa tuwing ginagawa niya ang mga bagay na ito sa 'kin, pero ngayon… wala na. Hindi ko alam kung bakit nadidismaya ako. Nadismaya akong hindi ko na nararamdaman ang pakiramdam noon kapag kasama ko siya. At nanghihinayang din ako.

Bakit ba? Umaasa pa rin ba ako?

Mabilis kong tinanggal ang kamay niya na nakahawak sa kamay ko at seryoso siyang tiningnan. Nasaksihan ko ang ngiti niya na unti-unting naglaho. Tiningnan ko siya ng diretso sa kaniyang mga mata.

”Rex… kung ano man tayo noon, kalimutan mo na lang. Iba na ang sitwasyon ng buhay natin ngayon kaya please lang. Magseryoso muna tayo ngayon lalo na't may mundo pa akong ililigtas.” seryoso kong wika sa kaniya na ikinatahimik niya.

Nakita ko rin ang pagiging seryoso ng mukha niya.

”Mukha ba akong nagbibiro?” napalunok ako sa sinabi niya. Ngayon ko lang siya nakitang ganito.

”Masama na ba ako kung kukunin kita muli? Huh?” and for some reason I sense obsession in his words. Hindi ko alam pero natakot ako ng bahagya sa ginawa niya.

Enchanted Academy: War Between Love And Justice✓Where stories live. Discover now