Chapter 31

356 20 4
                                    

•••THIRTY-ONE•••


Sophia's POV

Nakarating kami ng palasyo. Sa bawat madaanan namin ay may nakahandusay sa lupa na mga katawan. 'Yung iba ay wala ng hininga ngunit may iba rin naman na humihinga pa at lumalaban sa buhay nila.

Nagsikilos na rin dito ngayon ang mga tauhan ng kaharian para tulungan ang mga nasugatan at ang mga tauhan na kaya pang isalba sa kahit anong paraan.

Mag-uumaga na ngayon kaya malamig na ang simoy ng hangin matapos ang digmaan na naganap kanina. Pagpasok pa lang namin sa main gate ay lahat ng mata ay nasa amin na. 'Yung iba ay humingi  ng tulong ngunit may iba naman na nagbigay pugay sa 'min kahit na may mga sigat sila.

Pagpasok namin sa main door ng palasyo ay ang hari at reyna kaagad ang humungad sa 'min. Mga nag-aalalang mukha ng aming mga magulang ang unang sumalubong sa 'min.

Kaniya-kaniyang lapit sa 'min ang aming mga magulang kaya hinayaan ko na lamang sila. Ngunit nagtaka ako kasi wala sina mommy at daddy.

“Thea! Buti naman at ligtas kayo mga anak ko.” napalingon ako ng marinig ko ang noses ng reyna habang yakap niya si Thea na mahahalata mong pagod na talaga.

Nagkatinginan kami ng hari at nakita niya siguro ang kalituhan sa aking mga mata.

“Ang iyong ama ay ginagamot ng---” hindi ko na tinapos pa ang sinasabi ng hari at kumaripas na ng takbo papunta kay Dad.

Hinihingal ako ng makarating ako sa clinic ng palasyo. Nakita ko ang iilang gwardiya na masa labas ng silid at mukhang bantay sarado nila ang aking ama. Mabilis akong nagtungo sa silid at akmang papasok na sana ako ng bigla nila akong harangan sa aking dinadaanan kaya naman tiningnan ko sila ng masama.

“Let me go through. I need to see my father!” mariin ko iyong iwinika sa kanilang tatlo.

“Paumanhin mahala na prin--”

“Padadaanin niyo ako o papatayin ko kayo?” I glared at them ngunit nag-iwas lamang sila ng tingin sa 'kin at tiningnan ang isa't isa.

“Ngunit utos iyon ng mahal na har---” bigla silang nahinto kaya mas lalong kumunot ang noo ko.

Tapos bigla nalang silang nagsi-alisan sa harap ko para makadaan ako. Hindi ko nalamang sila tinanong pa kung bakit at nagmadali ng pumasok sa kwarto. Ni hindi ko na nga nagawang isara muli ang pinto ng dahil sa pagmamadali ko.

Bumungad sa 'kin doon si Dad na walang malay. Napalingon pa sa 'kin ang nasa loob ng silid na sina Mom, Ate Aurora at si Zara? Pero hindi ko na inabala pa iyon.

“Dad!” lumapit ako kay daddy ngunit mabilis akong hinawakan ni mommy sa mga braso ko saka ako inilayo sa kaniya. Nagbabadya na rin ang luha ko pero pinipigilan ko lamang iyong lumabas.

“Mom? A-anong nangyari kay Dad?” iyon na lang ang natanong ko imbes na magtanong kung bakit niya ako pinigilan sa paglapit kay Daddy.

Hindi nila ako sinagot at nagtinginan uli sila sa isa't isa.

“Pasensya na Phia…  kasalanan ko kung bak--”

“Mom anong nangyari kay Dadddy! Hindi ko tinatanong kung sino ang may kasalanan!” galit ko iyong sinabi sa kanila ngunit muli, ay tahimik pa rin sila na oara bang hindi jila kayang masabi ng buo na mas lalong nagpakaba sa 'kin.

Nagalit ako kaya itinakwil ko amg kamay ni mommy na akahawak sa braso ko para makawala ako at mapuntahan ko ng tuluyan si Dad pero nang makawala na ako ay muli na naman niya akong pinigilan.

“You can't go near to your dad.”

“Then WHY!” sinigawan ko si Mom at galit ko siyang tiningnan.

Enchanted Academy: War Between Love And Justice✓Where stories live. Discover now