Epilogue Part 2

341 17 0
                                    

•••PART TWO•••

6 months later

Sophia's POV

*Knock*

"Come in."

I opened the door as soon as I heard his approval.

"The papers are here. All you need to do is sign it and then ibabalik ko na sila kay Principal Gil."

He nodded and then fix his eye glasses. Kinuha niya ang papel na nasa kamay ko.

"Ang dami naman ata nito. I have other plans to do Ms. Phia." Aniya na ikinainis ko.

"You're calling me that again? I said I'm your secretary, you can call me Ms. Secretary, idiot!"

Nanlaki naman ang mata niya sa sinabi ko. Nagpipigil naman ako ng tawa nang siya ay tumayo.

"Idiot? Really?"

Tumawa na ako sa naging reaksiyon niya.

"Cute," I mumbled.

"Kristoff!"

Pareho kaming napalingon sa pintuan nang may tumawag sa pangalan niya. It was Liam na bahagya pang hinihingal.

"Bakit?" Maikling tanong ni Mr. Pres. kay Liam.

"I mean Mr. President. Pinapatawag po tayo ng mahal na hari." hingal niyang sagot.

Kumunot naman ang noo ko, "Sali ako o hindi?"

Tumango naman siya, "Opo kasali ka po."

Bakit naman kaya? It's been six months simula noong matapos ang labanan and now we're back to normal.

"Let's go." ani Kristoff tsaka hinawakan niya pa ang kamay ko bago kami sumunod kay Liam na pumauna na palang lumabas.

Yes, Kristoff became the Supreme president. Matapos niyang sabihin sa 'min na isa rin siyang diwata ay hindi nagdalawang-isip ang mahal na hari na ilagay siya sa nararapat na posisyon. Hindi naman pumalag si Grey doon kasi may iba na siyang pinagkakaabalahan ngayon.

"It must be an important meeting." napalingon ako sa aking kanan at nakita ko ang pagmumukha ni Yasmen.

She's eating a lollipop again habang nakapamulsa pang naglalakad. Her appearance change a bit matapos ang labanan. She doesn't wear any black make-up and lipstick anymore.

"What are you looking at?"

Napa-irap ako sa sinabi niya. But still she's always our angry bird former president. Hindi niyo lang alam, but that's her nickname no'ng siya pa ang presidente dito. Though that time ay babaeng-babae pa ang pormahan niya.

Habang naglalakad kami ay napaigtad ako sa sumigaw.

"Yassssssyyyy!"

Takte sakit ng boses niya sa tenga.

"Ian! Parang kang bulate na binudburan ng asin." iritadong wika ni Kristoff na sinang-ayunan ko naman.

"Yasssy!" hindi niya kami pinansin at dumeretso lang kay Yas at niyakap niya ito ng mahigpit.

Natawa pa nga ako ng bahagya nang makita ko ang paglaki ng mata ni Yas no'ng niyakap siya ni Ian eh.

"Hoi! Makasigaw ka naman eh hindi pa naman ako patay!" reklamo ni Yas sa kaniya.

"Mukhang nahanap mo na ang paraa sa 'yo Yas ah."

May halong pang-iinis pa ang boses ni Kristoff no'ng sinabi niya iyon na siyang nagpahalakhak sa 'kin. Ngunit napatigil kaagad ako nang masama akong tiningnan ni Yas.

Enchanted Academy: War Between Love And Justice✓Where stories live. Discover now