Chapter 29

375 18 2
                                    

•••TWENTY-NINE•••



Third person's POV

“Yumi?” ang tanong ni Liam sa kaharap niyang Yumi habang siya'y tinutukan nito ng espada. Isa ring banal na espada. Sariling banal na espada ni Yumi.

Nakatayo siya ngayon at gulat na nakatingin sa dalagang kaharap niya habang may sandata na nakatutok sa kaniyang leeg.

“Yumi… Ano na naman bang kalokohan ang ginagawa mo? Hindi ito ang oras para magloko!” panenermon niya sa dalagang kaniyang kaharap.

Hindi na niya mapigilang isipin na baka isang impostor na nga ang kaharap niya at patay na ang babaeng kaharap niya ngayon. Ang babaeng siyang nakasama niya at siyang naging matalik niyang kaibigan.

“What will you choose between Love and Justice? Is it Love or Justice?” It was then that  he heard the same question. Naalala niya ang ikwenento ni Kristoff sa kanila.

“A-are you---easy!” bigla niya iyong nasabi nang diniinan ng dalaga ang sandata na nakatutok sa kaniyang leeg.

“One wrong another word and this woman will gonna die.” nag-igting ang panga ni Liam ng marinig niya ang mga katagang iyon mula sa babaeng kaharap niya.

Ngayon panatag na siya na ibang tao ang kaniyang kaharap at hindi ang matalik niyang kaibigan na si Yumi. At dahil ay matapang siya at alam niyang kailangan pa siya ng babaeng kaharap niya ngayon kaya hindi siya natakot. Alam niyang hindi pa siya papatayin ng babae dahil hindi pa siya pinapatay nito kung gayong sa sitwasyon nilang dalawa ay talo na siya.

Sumilay ang nakakaloko niyang ngiti sa kaniyang labi.

“Binibini…”

Nasabi niya iyon ng buo habang naramdaman niya ang pagdiin ng sandata sa kaniyang leeg na nakakasiguro siyang nagdulot iyon ng kaunting sugat dahil naramdaman niya ang pag-agos ng dugo mula doon.

“Your not listening are you?” nahimigan niya ang inis sa tono ng babaeng kaniyang kaharap. Doon siya tuluyang napangiti.

“You can't kill me hanggat hindi ko pa nasasagot ang katanungan mo. That must be a very important part to you, right?” mapaglaro niyang wika sa kaharap niyang dalaga.

Nakita naman niya ang pagtango ng Yumi na kaharap niya na ikinataka niya dahil hindi niya inaasahan na aamin kaagad ito.

“I warned you, but you ch--”

“Can I choose both?”

Walang paligoy-ligoy na sagot niya dahil alam niyang hindi nakikipagbiruan ngayon ang kaharap niya. Ayaw niyang masaktan si Yumi kaya sasagot na lamang siya at hindi na makikipaglaro pa.

“You'll gonna choose one at the end. And that's the majority of surviving to find peace between this bloody war.” naging seryoso kaagad ang mukha niya ng marinig niya iyon.

Alam na niya na may kinalaman sa digmaan ang pinapapili sa kaniya. At iniisip na niya na maaring ito ang susi para walang magsakripisyo na kanilang kasamahan sa huli.

Nagsimula na siyang mag-isip ng mabuti kung para saan nga ba ang pinapapili sa kaniya ngunit walang pumasok sa utak niya ni kahit isang ideya.

“Bilisan mo't nauubusan na tayo ng oras! Ayokong mamatay na naman ang aking kapatid sa pangalawang pagkakataon.” napalunok ng laway si Liam sa narinig niya.

Kahit hindi niya maintindihan ay ramdam niya ang hinanakit ng babae dahil sa mga mata nito. Kahit pa ang kaharap niya ngayon ay si Yumi ngunit makikita naman sa mga mata nito na ito ay ibang tao.

Enchanted Academy: War Between Love And Justice✓Where stories live. Discover now